Sam hinihintay maghiwalay sina Anne at Erwan


KUNG ang pagbabasehan ay ang kislap ng mata at facial expression ni Sam Milby, halatang mahal pa rin niya si Anne Curtis at hindi totoong naka-move on na siya talaga sa kanilang paghihiwalay ilang taon na ang nakararaan.

Napanood namin ang guesting nila sa Gandang Gabi Vice noong Linggo at kitang-kita sa mga kilos ni Sam, pati na rin sa mga titig niya kay Anne ang kanyang itinatagong feelings.

At yan siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin siya. Ibig sabihin, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa – na sa bandang huli ay sila pa rin ni Anne ang magkakatuluyan.

Ha-hahaha! Talagang ipinilit namin, di ba? Ayaw ni Erwan Heussaff nang ganyan! Anyway, nabuking nga ni Vice Ganda na may mga litrato siya ni Anne na naka-save sa kanyang cellphone hanggang ngayon.

Super defensive naman ang naging reaksiyon ng binata tungkol dito. Sey ni Sam, gusto lang daw niyang ipakita sa kanyang ex-girlfriend ang ilang lumang pictures nila noong sila’y magdyowa pa.

“May nahanap akong mga nakakatawang pictures. E, gusto kong ipakita sa kanya. So inilagay ko sa phone ko,” depensa ni Sam sa pangungulit ni Vice. Dugtong pa ng hunk actor, ”Nahanap ko lang, hindi naman sadya.

Nasa folder ng computer.” Hirit naman ni Anne, “Marami siya (litrato). Pero lahat ng naka-work naman niya, may pictures siya.”
Nang tanungin ni Vice ang dalawa kung totoong naka-move on na sila sa kanilang break-up, parehong “oo” ang kanilang sagot.

Magkaibigan na lang daw talaga sila, at mas naging close uli nang gawin nila ang seryeng Dyesebel at ang latest movie nila under Viva Films na “The Gifted”,  showing on Sept. 3.

( Photo credit to EAS )

Read more...