Daniel, Kathryn hinamon sa ice bucket challenge


Hinihintay ngayon ng KathNiel fans kung kakasa sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa usung-uso ngayong ice bucket challenge. Ito’y matapos nga silang hamunin ng writer ng Kris TV na si Darla Sauler na tinanggap naman ang hamon ni Kris Aquino.
Live na binuhusan ng bucket na may lamang yelo at malamig na tubig si Kris sa The Buzz. May 24 oras sina Kathryn at Daniel para harapin ang hamon at kung hindi nila ito magagawa, magdo-donate sila sa ALS Association sa Amerika o iba pang foundation na kunektado sa sakit na ALS.

( bandera.ph file photo )

Read more...