Sulat mula kay Jenilet ng Barangay 11, Roxas City
Dear Sir Greenfield,
Meron akong lisensiya sa aking propesyon pero hindi ko magamit-gamit ito sa kasalukuyan kong trabaho. Ang nauna kong inaplayang mga trabaho ay partikular sa height at physical appearance. Ang mga ito marahil ang dahilan kung bakit hindi ako natanggap. Kapag naga-apply ako, karaniwan ay apat hanggang lima ang aplikante kaya may pagpipilian. Heto ako ngayon. Panggabi ang trabaho. At dahil sa matagal na akong panggabi ay tumanda na ang hitsura ko at hindi na angkop sa aking edad na 25. Pero, wala nang ibang trabaho kaya nagtitiis na lang ako kesa wala. Anong trabaho ba ako yayaman? Sa abroad?
Umaasa,
Jenilet ng Barangay 11, Roxas City
S
Itutuloy