Kathryn, Daniel ‘HIWALAY’ na; kanya-kanya munang diskarte


MATATAGALAN bago magkasama muli sa isang teleserye o pelikula sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pahinga muna ang dalawa matapos magkasunud-sunod ang kanilang mga proyekto ngayong taon.

Magkakaroon muna ng kanya-kanyang projects ang Teen King and Queen ng ABS-CBN. Pero bago mag-react ang KathNiel fans, wala namang balak ang mga bossing ng Kapamilya network na itambal sila sa iba.

At kung hindi na nga magbabago ang plano, sina DJ at Kath nga ang bibida sa remake ng seryeng Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Pero baka raw early next year na ito maipalalabas.Kuwento ni Kathryn, pahinga muna siya sa teleserye dahil ang pagkakaabalahan niya ngayon ay ang kanyang debut album.

Natapos na raw niyang i-record ang anim na kanta (plus the bonus tracks) sa kanyang album. Anytime naman ay isu-shoot na ang cover ng kanyang album.

Sey  ng dalaga, ilan sa mga naging inspirasyon niya sa pagbuo ng kanyang kauna-unahang album ay ang mga international artists na sina Taylor Swift at Ariana Grande.

Dito naman sa Pilipinas, idol na idol niya raw sina Sarah Geronimo at Yeng Constantino. In fairness, hit na hit na ngayon ang single ni Kathryn na “Ikaw Na Nga Yata” na napapakinggan sa Koreanovelang Pretty Man.

Nang tanungin kung bakit nagdesisyon siyang gumawa ng album, tugon ng aktres, “Kasi, of course, ilang years na sa teleserye. Gusto ko rin naman maging open sa iba-ibang mga puwede kong gawin.

Like, pag may chance sa hosting or  singing, (gagawin ko). Para hindi ka lang sa isang genre.” Bukod dito, naghahanda na rin si Kathryn para sa pagbibida niya sa susunod na season ng Wansapanataym ng Dreamscape Entertainment.

Hindi pa raw pwedeng sabihin kung sinu-sino ang makakasama niya rito.

( bandera.ph file photo )

Read more...