Andi type balikan si Albie: yuckkk! kadiri naman ‘yan!


“YUCK! Kadiri!” Iyan ang nakakalokang reaksiyon ni Andi Eigenmann sa mga naglalabasang chika tungkol sa kanila ng kanyang ex-boyfriend na si Albie Casino.

May kumalat kasing balita na sunod daw nang sunod ang Kapamilya actress kay Albie kahit saan ito magpunta. Mas masahol pa  raw sa stalker ang drama niya ngayon.

Pero tila diring-diri si Andi nang makarating sa kanya ang tsismis. Aniya sa interview ng ABS-CBN, “Marami naman akong ginagawa sa buhay ko. Busy ako, hindi ko kailangan gawin ‘yon! And no.

Not at all, okay? I have better things to do with my life than do that.” Natawa rin si Andi sa chika na type niyang makipagbalikan sa kanyang ex-boyfriend na sinasabing tatay ng anak niyang si Ellie.

In fact, nagpapadala pa raw siya ng pagkain para sa binata kapag nasa taping o shooting ito. “We’re okay, but, like, I wouldn’t make any effort to be friends with him or to give him anything at all.

Bumili siya ng sarili niyang pagkain!” pagdedenay pa ng dalagang ina. “Walang rekindling or anything, but we are okay. We are friends. I have forgiven him na. Okay kami talaga.

I wish him the best, pero there’s no reconnecting. Walang reconnecting na nagaganap,” aniya pa. Samantala, mukhang sumuko na rin si Andi sa masalimuot nilang relasyon nila ni Jake Ejercito, anak nina Mayor Erap Estrada at Laarni Enriquez.

Aniya, wala na silang komunikasyon ni Jake. Kaya sa tanong kung sino ba ang bagong laman ng puso niya ngayon? “Para sa akin, hindi na siguro importante kung sino ang laman.

Basta I’m happy. I am in a good place. It’s not my priority naman, eh. Whether or not there’s a guy there, I’m fine, I’m happy. I have Ellie and my family, so all good.”

( bandera.ph file photo )

Read more...