Sulat mula kay Dinnah ng Barangay Baloyboan, Pagadian City
Dear Sir Greenfield,
Malungkot ang sasapit na mahalagang araw sa akin. Naglaho ang boyfriend ko. Ang pinakamasakit, tinangay siya ng lalaki at sumama naman siya. Hindi ko alam kung may relasyon sila. Isasama raw ng lalaki ang boyfriend ko sa abroad. Kahit may skill ang boyfriend ko ay napagkasunduan namin na hindi siya maga-abroad. Sa kanyang iniwang mensahe, ginawa raw niya ito para may magagasta kami sa aming pagpapakasal. Ipadadala raw niya ang kanyang suweldo sa amin para ibangko ko. Pero kalahating taon na siya sa abroad ay hindi pa siya nagpapadala ng pera. Hindi rin siya nagte-text o tumatawag.
Babalik pa ba siya?
Umaasa,
Dinnah ng Barangay Baloyboan, Pagadian City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansing maaganda at maayos naman ang Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) o ang Guhit ng Damdamin sa iyong palad. Ibig sabihin, anumang pagsubok ang pinagdadaanan ninyo sa kasalukuyan ng boyfriend mo, umasa kang magiging happy ending pa rin ang lahat.
Cartomancy:
Five of Hearts, Ten of Diamonds, at Eight of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ay nagsasabing pagkalipas ng limang buwan, magkakaroon uli kayo ng komunikasyon, upang pagsapit ng ika-10 buwan, magpapadala siya ng malaking halaga ng salapi, ipapatago niya ito sa iyo upang paglaanan at paghandaan ang inyong nalalapit na kasal.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.