SSS pension nahinto na naman

DEAR Aksyon Line:

Gusto ko po na malaman sa SSS kung bakit nahinto na naman ang pagpapadala ng check sa pension ng father ko na regular naman namin na natatanggap. Buwan ng June nang huling matanggap ang check at noong buwan ng July hanggang nitong Agosto ay wala na kaming natatanggap na check. Ano po ba ang dapat naming gawin?
Pilita dela Cruz
SSS no.03-0153989-2

REPLY: Kagyat na tumawag ang AKyon Line sa SSS main office at nabatid na naka micro-settlement pala ito.
Medyo mahirap daw kapag micro settled ang status ng account ng isang member dahil hindi ito
nasisilip sa kanilang data base.

Itinuturing na micro settelment ang account, ayon kay Ms Beth Turalvo, SSS Senior Communications Officer, kapag ang miyembro ay mayroon nang guardian o kaya ay may nagki- claim na dalawang pamilya o naka encounter ng anumang problema.

Sa kasong ito ay pinapayuhan si Bb. Dela Cruz na magtungo sa SSS Shaw Blvd upang alamin ang tunay na status ng account.

Sa pagsusuri naman ng SSS Shaw Blvd nabatid na dapat ay sa Sept 2014 magtatapos ang one year period at matapos nito ay kinakailangang magsumite ng panibagong requirements ang guardian ng SSS pensioner na bedridden na.

Kabilang sa requirements kapag bedridden na ang isang pensioner, kinakailangan ng latest medical certificate, sketch ng bahay para mapuntahan ang pensioner .

Maari ring magpakita ng larawan ng pensioner na may kasamang dated na newspaper para patunayan na buhay pa ang pensioner.

Katuwang ng Aksyon Line na umaksyon agad ay si Ms. Charisse Castro, benefit section ng SSS kaugnay sa reklamo ng sender. Siniguro ni Ms. Castro na agad nila itong aayusin at para maipadala na agad ang napending na check.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...