Chito: Wala na akong mga substance abuse!


Sisikapin ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda na baguhin ang kanyang lifestyle ngayong malapit na silang ikasal ni Neri Naig. “Hindi na ako ganoon ka-reckless. Wala na akong mga substance abuse, yung mga sigarilyo…

Hindi na ako masyadong umiinom. Medyo minsan, pero healthy lifestyle na kasi magfo-40 na ako in a year or two,” ani Chito sa isang interview.

Sa ngayon, patuloy ang paghahanda nila ni Neri sa nalalapit nilang wedding, “Ongoing pa rin siya (preparation). It’s more stressful than planning a birthday party kasi kasal ito eh.”

Sey pa ng singer, pareho na silang naka-move on ni Neri sa kinasangkutan nilang sex scandal ilang buwan na ang nakararaan.

( bandera.ph file photo )

Read more...