Sam forever ang pagmamahal kay Anne


Hindi kaya mamatay sa sobrang selos ang boyfriend ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff sa ex-boyfriend niyang si Sam Milby?
Hindi man kasi diretsong aminin ni Sam, kitang-kita na until now ay mahal pa rin niya si Anne.

Naniniwala ang madlang pipol na ang latest statement niyang “Anne will always remain in my heart” ay isang patunay na hindi pa rin siya totally nakaka-move on sa naging relasyon nila ng ex-GF.

Pero agad namang nilinaw ni Sam ang naging pahayag niya about Anne, “Yes, I will. I will always love her because we shared something, yung pinagdaanan namin, yung pinagsamahan namin, we shared something.

“Para sa akin, kapag in love, parang umaasa pa. Ako, I know na happy siya. I’m truly happy for the both of them,” ani Sam. After Dyesebel, balik-tambalan uli ang dalawa sa latest offering ng Viva Films na “The Gifted” kung saan kasama rin nila si Cristine Reyes.

Nang tanungin naman si Sam kung talagang naka-move on na siya kay Anne, parang nautal pa ang aktor sa pagsagot, “If I were still hoping, I’d still feel kind of… basta I’m happy for them.”

( bandera.ph file photo )

Read more...