Sulat mula kay Tima, ng Barangay New Isabela, Tacurong City Problema: 1. Darating na sa Disyembre ang foreigner na matagal ko nang ka-chat sa Internet at cam. Sa katagalan ng aming chat ay naging boyfriend ko na siya at girlfriend na niya ako. Pero habang nalalapit na ang kanyang pagdating ay kinakabahan naman ako. 2. Ang kanya kasing bansa ay kilala sa mga lalaking nananakit ng kanilang asawang Asyana. Mabait naman siya sa akin dahil nagpapadala siya ng pera pero hindi ko pa lubusang nasusubukan ang tunay na kabaitan niya. Siya na ba ang mapapangasawa ko? Magiging maligaya ba ako sa kanya? Ang birthday niya ay Peb. 12, 1970 at ako Nob. 30, 1992. Umaasa, Tima, ng Barangay New Isabela, Tacurong City Solusyon/Analysis: Astrology: Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at Pisces naman ang boyfriend mo na nakilala sa Internet ay nagsasabing compatible kayo. Ang Scorpio at Pisces ay may elementong water o tubig. Ibig sabihin ang pagsasama ng dalawang tubig ay sadyang nagiging maunlad at maligaya. At dahil tubig ang elementong naghahari sa inyong buhay, sa una nyong pagkikita ay may patak ng ulan na kakalat sa kapaligiran. Numerology: Ang birth date mo ay nagsasabing susuwertehin ka sa pag-aasawa. Ang birth date naman ng ka-chat mo ay nabibilang sa weak number o mahinang numero kaya sa sandaling kayo ay nagkatuluyan ay may posibilidad na kahit na mas matanda o mas may edad siya sa iyo ay aanderin mo lang siya at susunod sa lahat ng iyong mga naisin at gusto. Luscher Color Test: Upang magtuloy-tuloy ang suwerte sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon, panatiliin ang pagsusuot at paggamit ng kulay na berde at dilaw. Samantalang sa araw ng inyong kasal, pula naman ang dapat gamiting motif. Sa ganyang paraan ay magtutuloy-tuloy ang iyong suwerte at magandang kapalaran sa larangan ng pag-ibig at pag-aasawa. Huling payo at paalala: Tima, ayon sa iyong kapalaran, sa taon ito na magsisimula ang iyong suwerte— sa pagdating ng kaibigan o boyfriend mong foreigner. Tulad ng inaasahan, sa kanyang pagdating dito sa ating bansa ay ayain ka na niyang magpakasal. Sunggaban mo agad ang napakagandang pagkakataong nabanggit. Sa taong ito ay makapag-aasawa ka, susuwertehin, makapag-aabroad at uunlad. Sa ibang bansa habambuhay na liligaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
