Vina binalikan si Robin, may basbas ni Mariel


Balik-tambalan naman ang dating magdyowang sina Robin Padilla at Vina Morales sa pelikula. Si Vina ang napili ni Binoe at ng producers ng MMFF 2014 entry na “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” na maging leading lady sa kanilang pelikula.

Sa official Instagram account ni Vina, sinabi nitong excited na siyang makatrabaho uli si Binoe matapos ang mahabang panahon.

Gaganap bilang Gregoria de Jesus si Vina sa nasabing MMFF entry, ang asawa ni Andres Bonifacio na gagampanan nga ni Robin. Aprubado naman daw ito kay Mariel Rodriguez kaya walang problema.

( Photo credit to EAS )

Read more...