Marian, Dingdong talbog kay Coco | Bandera

Marian, Dingdong talbog kay Coco

|February 25,2012
facebook
share this

Marian, Dingdong talbog kay Coco

- February 25, 2012 - 04:46 PM

NALOLOKA raw ang GMA 7 dahil sa pagpapalit ng timeslot ng Walang Hanggan at Budoy.
Magkatapat na ngayon ang Walang Hanggan at My Beloved, “Ang taas ng Walang Hanggan, halos lahat kami rito (GMA) ay pinapanood din ‘yun siyempre Richard Gomez at Dawn Zulueta fan kami plus may Coco Martin pa.

Bakit ba kasi sila itinapat sa My Beloved?” balik-tanong sa amin ng aming kausap.

Malapit na kasing magtapos ang Budoy ni Gerald Anderson at ipapalit na ang Nang Dahil Sa Pag-Ibig nina Piolo Pascual at Jericho Rosales at bukod dito ay maraming nag-request na agahan ang airing ng Walang Hanggan.

Hindi na kami nagtanong kung sino ang may mas mataas na rating dahil nakatitiyak kami na sasabihin ng kausap naming taga-GMA na mas mataas ang programa nila, pero the fact na nanonood sila ng serye nina Goma at Dawn ay winner na rin, di ba?

At heto pa pala ang dagdag kuwento sa amin, “Bongga talaga ang ABS ‘no, imagine sa Italy ang taping ng Walang Hanggan?

Tapos nabasa rin namin, may Rome pa, ‘yung kina Piolo at ‘yung kay Jake (Cuenca) naman sa Qatar, bongga ang budget nila!”

Kaya ang mabilis naming sabi, “Ikaw na ang maging ABS-CBN talent!” na sinagot naman ng aming source ng, “Oo nga!

Ha-hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending