Kinakabahan sa foreigner

Sulat mula kay Tima,  ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Dear Sir Greenfield,
Darating na sa Disyembre ang foreigner na matagal ko nang ka-chat sa Internet at cam. Sa katagalan ng aming chat ay naging boyfriend ko na siya at girlfriend na niya ako. Pero, habang nalalapit na ang kanyang pagdating ay kinakabahan naman ako. Ang kanya kasing bansa ay kilala sa mga lalaking nananakit ng kanilang asawang Asyana. Mabait naman siya sa akin dahil nagpapadala siya ng pera pero hindi ko pa lubusang nasusubukan ang tunay na kabaitan niya. Siya na ba ang mapapangasawa ko? Magiging maligaya ba ako sa kanya? Ang birthday niya ay Peb. 12, 1970 at ako Nob. 30, 1992.
Umaasa,
Tima, ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Isa lang ang Marriage Line sa palad mo, pero natatabihan ito ng Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ang ibig sabihin nito ay kung sino ang lalaking pakakasalan ka ay siya na ang habambuhay mong makakasama. Magiging mabiyaya ang inyong pagsasama at marami kang lugar at bansang mararating.
Cartomancy:
King of Diamonds, Five of Hearts at Six of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ay nagsasabing lalaking mayaman o may kaya sa buhay ang iyong mapapangasawa at sinasabi ding nakatakda na rin kayong magkita.
Itutuloy….

Read more...