ISA po akong empleyado dito sa San Jose del Monte Bulacan. Ako po ay isang accountant. Nabalitaan ko po ang tungkol sa Employees Compensation Commission. Gusto ko po na malaman kung anu-anong benepisyo ang maibibigay ng ECC sa mga empleyado na tulad ko. Sinu-sino po ang maaring mabigyan ng benepisyo ng ECC. Sana po ay masagot nyo ang aking mga katanungan
Michelle de Lara
Brgy Kaypian, San Jose Del Monte, Bulacan
….7779
REPLY: Ang Employees Compensation Commission (ECC) ay may tinatawag na Employees Compensation Program (ECP). Ito ay isang programa ng pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng isang compensation package sa mga manggagawa o dependents ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sektor sakaling may kaganapang pagkakasakit na may kaugnayan sa pagkakasakit sa trabaho, pinsala, kapansanan, o kamatayan.
Ang benepisyong ito ay sumasakop sa lahat ng manggagawa sa pormal na sector. Ang coverage sa ECP ay nagsisimula sa unang araw ng pagtatrabaho.
Ang mga mangagawa sa pribadong sektor na sapilitang kasapi ng Social Security System (SSS), habang sa Government Service Insurance System (GSIS) naman ang nasa government sector at may employer-employee relationship.
Mga benepisyo nito ay ang mga sumusunod:
Loss of income benefit o paggawad ng pera sa isang manggagawa upang bumawi para sa nawalan nyang kita dahil sa kawalan ng kakayahan para magtrabaho.
Medical benefits kung saan kasama ang pagsasauli ng nagugol na gastos sa mga gamot para sa sakit o pinsala, mga bayad sa mga nangangalaga sa pangangalagang medical, pangangalagang ospital, surgical expenses at mga gastos sa mga kasangkapan at supplies kung saan kinakailangan. Ang mga serbisyong medikal ay limitado sa ward services nang isang accredited hospital.
Rehabilitation services na kasama ang physical therapy, vocational training at mga espesyal na tulong na ibinigay sa mga manggagawa na ang sanhi ng kanyang kapansanan ay resulta ng pagkakasakit pinsala na nagmula sa pagtatrabaho. Ang layunin ay upang muling mabuo ang kaisipan, bokasyonal, at potensyal na panlipunan nang mga mangagawa, at upang mapanatili ang mga ito bilang produktong kasapi ng lipunan.
Carer’s allowance na kung saan ibinigay sa isang manggagawa na naghihirap dahil sa work-connected permanent partial at permanent total disabilities (PTB).
Death benefits na ibinibigay sa mga beneficiaries ng isang mangagawa na ang kamatayan ay may kinalaman sa trabaho. Ang death benefit ay dapat din ibigay sa mga beneficiaries kung saan ang dahilan ng pagkamatay ng mangagawa ay sanhi ng kumplikasyon o natural na pangyayari sa kanyang compensated permanent total disabilities.
Ang mga manggagawa ay maaaring mag claim kung to ay konektado sa trabaho at dapat na i-file sa loob lamang ng tatlong taon
Atty. Jonathan Villasoto
Deputy Director
Employees Compensation Commission (ECC)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust
ream.tv/channel/dziq.vvv.