Kasalang Marian-Dingdong may isyu sa simbahan

DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA

MAY isa palang problema si Marian Rivera na kailangang ayusin muna bago siya payagan ng Catholic church na magpakasal kay Dingdong Dantes.

Hands-on sina Marian at Dingdong sa pag-aayos sa kanilang kasal, kamakailan ay nakipag-meeting na ang GMA Primetime King and Queen sa kanilang wedding coordinator para simulan na ang paghahanda sa kanilang engrandeng kasal sa Dec. 30, 2014 sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao.

Pero ayon nga kay Marian, kailangang magpabinyag siya uli dito sa Pilipinas para payagan siya ng Simbahang Katoliko na magpakasal kay Dingdong. Kuwento ng aktres, hindi raw kasi kinikilala sa Pilipinas ang binyag sa kanya sa Spain, kung saan siya ipinanganak.

At dahil isang devouted Catholic si Marian, napagdesisyunan nila ni Dingdong na ganapin ang binyag sa Sept. 8, mismong kaarawan ni Virgin Mary sa isang simbahan sa Cavite.

At siyempre, ipinagdarasal talaga ni Marian na makarating sa Pilipinas ang kanyang amang taga-Span na si Francisco Gracia Alonso para ito ang maghatid sa kanya sa altar.

Samantala, extended ang dance show ni Marian sa GMA hanggang Dec. 6 at simula na rin ang shooting nila ni Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon para sa entry nila sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Read more...