Juday: Pang-unawa at dasal ang kailangan ngayon ni Ate Sharon!

JUDY ANN SANTOS AT SHARON CUNETA

PERSONAL na binisita ni Judy Ann Santos ang Megastar na si Sharon Cuneta para bigyan ito ng moral support sa pinagdadaanan nitong depresyon at sobrang kalungkutan.

Ayon kay Juday, pang-unawa at dasal ang kailangan ni Sharon ngayon para malampasan ang dinaranas nitong “mid-life crisis” dahil na rin sa sobrang katabaan at walang-awang panlalait sa kanya ng mga bashers sa social media.

Pagkatapos ng presscon ng bagong TV show na iho-host ni Juday sa ABS-CBN, ang I Do na magsisimula na sa Aug. 30 (kapalit ng PBB All In), nakachika ng media ang misis ni Ryan Agoncillo at dito nga niya naikuwento ang naging pag-uusap nila ni Mega.

Naging close ang dalawa nang gawin nila ang pelikulang “Magkapatid” noong 2002 at kahit daw hindi sila masyadong nakikita ni Mega, hindi naputol ang kanyang komunikasyon at pagiging malapit na magkaibigan.

Noong Lunes, pinuntahan talaga ni Juday si Sharon sa bahay nito, ito rin ‘yung eksaktong araw na nag-post ang Megastar ng mahabang open letter sa kanyang Facebook account.

“Binisita ko siya para lang mangumusta, para lang makipag-kuwentuhan, ganu’n naman kami. And ako, I’m very grateful na hanggang ngayon, na-preserve ko ‘yung friendship ko with Ate Sharon, kasi it’s something na talagang hindi mo makikita sa ibang tao,” kuwento ng TV host-actress.

“Now, she’s doing okay. She’s coping. She’s trying to work things out. Yes, she said naman in her post na dumaan siya sa state of depression and state of loneliness,” dagdag pa ni Juday.

Inamin ni Sharon sa kanyang open letter (sa Facebook) na naging pabaya siya sa kanyang sarili kaya tumaba siya nang tumaba na laging ipinipintas sa kanya ng mga tao.

“I was going through a mid-life crisis, the effects of which I could never have foreseen. My reaction to it was awful; I became rebellious because I hated myself for the way I looked and the time I continued to waste by not focusing and working on bettering my own person.

“And each time I rebelled, often offending other people by being inconsiderate of their time and all else that I used to respect in and about them, I just felt worse and worse about myself. I was not ‘me.’ I hit mid-life and didn’t know how to deal with it. I was lost.

And then when I got used to it, I saw what had changed around me,” emosyonal na mensahe ni Shawie.

Mahaba-haba rin ang naging pag-uusap nina Juday at Mega, “All I can say now is ang daming acceptance and realization ni Ate, so she’s doing good, she’s doing well. Ang hinihingi niya lang siguro ngayon sa mga tao is understanding and prayers na ma-overcome niya kung anuman ‘yung struggles na pinagdadaanan niya.”

“And that’s why we’re here for her, mga kaibigan niya,” hirit pa nga ng host ng bagong reality show ng ABS-CBN na I Do.

Read more...