SA totoo lang, hindi na kami natutuwa sa mga kaganapan sa mundo ng politika sa bansang ito – bastusan, babuyan, benggahan.
Kani-kaniyang siraan at nakawan. Wala na. This is a hopeless country to live in.
Sobrang dumi na ng politics natin. Mukhang wala na itong patutunguhan – mismong ang pangulo kasi at ang kanyang pamilya ay nadadawit din sa mga kalokohan. Noon pa man, wala na talaga akong bilib sa mga Aquino lalo na dito kay P-Noy. Sa totoo lang, ngayon ko na lang din aaminin na never akong bumilib sa lahat ng mga Aquino sa pulitika – bakit?
Si dating Sen. Ninoy Aquino ba talaga ay matino? Kaya lang naman siya nakilala dahil kinalaban niya si dating Pangulong Ferdinand Marcos, di ba? Siya ang isa sa kumalaban sa rehimeng Marcos dahil gusto niyang agawin ang upuan sa pagiging pangulo. Pero hindi siya nagwagi kaya nag-self-exile ito abroad.
Bumango lang ang pangalan niya nang magsimulang mag-alsa ang taumbayan laban sa Marcoses dahil sa overstaying in power.
That’s what you call TIMING. Tinaymingan nila ang galit ng mga tao sa pamilya Marcos at pinabango ang pangalang Aquino.
Iyon nga lang, it was so much sacrifice on his part dahil nu’ng ibinalik siya sa Pilipinas ay napatay siya. And there came public sympathy for the late President Cory Aquino na isa lang namang ordinaryong housewife that time ni Ninoy.
And since napaligiran sila ng sandamakmak na advisers na meron ding kaniya-kaniyang agenda sa politics at nakawan sa bansa kaya napilit siyang tumakbo bilang pangulo.
Her image of being very religious was so much of help. Matalinong housewife – namatayan ng sikat na asawa, single-mom na very visible that time, who else was most likely to run and win that time? Si Tita Cory na nga – wala nang iba. After all, she showed interest din naman to become one kaya win-win talaga siya. But mind you, being religious doesn’t necessarily follow you are righteous. Magkaiba po iyon.
Opo, I agree that it was during the time of the late Tita Cory when our dearly missed democracy was brought back. But it was through People Power – hindi dahil sa kanya. But other than bringing back democracy, what else has she done? On the first month of her coming to power, ang P18/kilo na galunggong that time rose up to P36/kilo agad. Hindi ko makakalimutan iyon – EVER.
Then sunud-sunod na ang pagtaasan ng iba pang mga bilihin. Nagsimula na silang palitan ang mga names ng mga historical landmarks natin – ang MIA ay naging Ninoy Aquino International Airport; ang QC Parks and Wildlife ay naging Ninoy Aquino Parks and Wildlife and what else? The late Tita Cory’s regime was very poor, very weak – sayang. Hindi nagamit nang maayos dahil yung mga nakapaligid sa kaniya that time ay mga kawatan din. Pasimple lang, nakatago sa pagiging relihiyoso karamihan. Isa lang ang napasikat nila – ang telang DILAW.