Nagulat sa P500 load (2)

Sulat mula kay  Dolora, ng Sapian, Capiz
Problema:
1.     Sana’y sagutin mo agad ang aking problema.  Dalaga pa ako at naghahanap ng mapapangasawa na may pera, kahit hindi naman siya mayaman.  Basta parati siyang may pera.  Kaya gusto kong sagutin mo agad ang aking problema dahil meron akong textmate at gusto na niyang mag-eyeball kami.  Noong una ay ayaw ko sa kanya.  Nag-iingat ako na baka mapahamak lang ako sa textmate, lalo na kung hindi siya tagarito.
2. Noon ay hindi ko siya sinasagot at pinapansin.  Pero, nagpadala siya ng load na P500.  Laking gulat ko talaga dahil ngayon lang ako nagkaroon ng ganito ka laking load.  Hindi ko nga kaya ang P300 load dahil mahirap lang ang pamilya ko at patulung-tulong lang ako sa pagtitinda ng nanay ko.  Hindi na ako makaiiwas sa kanya dahil sinabi niya sa kanyang huling text na alam na niya kung nasaan ang bahay ko at pupuntahan daw niya ako.  Ano ang gagawin ko?
Umasa,
Dolora, ng Sapian, Capiz
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra ay nagsasabing ang misteryosong  textmate mo na ayaw pang magpakilala sa iyo ay siguradong nagtataglay ng zodiac sign na Virgo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang mahiwaga textmate ay isinilang sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, o kaya’y 29.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na hindi masyadong bilugan at hindi rin masyadong pahaba, sa halip ay katamtaman lang, ang nagsasabing ang mahiwagang textmate ay maaaring payat na maputi hanggang sa balingkitan ang pangangatawan, laging naka-ayos o naka-gel at makislap ang buhok at higit sa lahat neat at magaling magdala ng damit.
Luscher Color Test:
Kung saan, ang lalaking ito ay mahilig sa kulay na asul at puti. Bukod sa disenteng kumilos may kaya o mayaman ang pinangalingan niyang pamilya. At ang isa pang magandang balita, siya ay nakapag-aral na tulad mo rin, binata at walang girlfriend.
Biorhythm
Ayon sa iyong Biorhythm Chart umangat ang graph ng emosyon sa taon ito,  na nangangahulugang sa nasabing panahon asaahan mo nang bigla kayong magkikita at sa pagkikita ninyong iyon, mabubuo ang masaya at panghabambuhay na relasyon.
Huling payo at paalala:
Dolora, ayon sa iyong kapalaran kung wala ka pang boyfriend  ngayon, ayos na ayos, dahil wala pa ring girlfriend ang textmate mo at mahal na mahal ka niya. Kaya naman sa una ninyong pagkikita na magaganap sa taon ding ito, tulad ng inaasahan, mabubuo ang matimyas at masayang pagmamahalan na sa bandang huli ay hahantong sa pagbuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.

Read more...