‘Sexual Harassment’ case ni Rita laban kay John Regala tinutukan ng GMA 7


NALUNGKOT naman kami sa kuwento ni Rita Avila hinggil sa hindi kagandahang experience niya sa taping nila for Wish Ko Lang na umere noong Aug. 3 pa.

Sa pahayag kasi ng aktres ay nakaranas siya diumano ng pambabastos sa co-actor niyang si John Regala nang magbitaw ito ng mga pahayag na feeling niya ay kawalang respeto na sa kanyang pagkababae.

Nag-file na ng kaukulang reklamo ang aktres sa pamunuan ng GMA 7 noong Aug. 11, naka-address ito sa AVP ng Public Affairs na si Leogardia Sanchez-Matias at AVP ng Administrative Division na si Kelly Vergel de Dios.

Dito nga idinetalye ni Rita ang “sexual harassment” na naganap sa taping. Sinubukan naming itanong sa GMA 7 Corporate Communications executives ang estado ng naturang reklamo pero masusi pa raw itong pinag-aaralan at wala pa silang opisyal na pahayag ukol dito.

Noon pa man ay kilala ng pasaway ang aktor na si John Regala at may mga pagkakataon din noon na humingi siya ng pang-unawa dahil sa mga kanegahang kinasangkutan niya sa showbiz.

Sa ngayon ay itinuturing nga siya bilang isa sa mga most reliable character actors natin at balitang ang mismong Viva Entertainment na ang namamahala ng kanyang karir.

Nakakalungkot lang makabasa ng ganitong tsika dahil beterano nang maituturing ang mga sangkot. Naaawa kami kay Rita at naniniwala kami sa kuwento niya.

Sana nga ay mabigyan ng pansin at atensyon ito ng mga kinauukulan dahil ika nga ni Rita, “Posibleng gawin din niya sa iba ang nangyari sa akin.”

Sa Hawak Kamay namin napapanood si John at inis na inis kami sa karakter niya lalo pa’t mga bata ang pinagdidiskitahan niyang resbakan ngayon sa kuwento.

Sana ay sa TV o sa pelilula lang talaga siya kontrabida o kasumpa-sumpa dahil kung pati sa tunay na buhay ay nadadala niya ito, mukhang matindi ang problema ng mga kumukuha sa kanya at mga posible pang matakot na makatrabaho siya!

( bandera.ph file photo )

Read more...