Ramon kinampihan ng madlang pipol; mga Davaoeño niresbakan


UMANI ng batikos ang persona non grata declaration ng Davao City Council sa comedian na si Ramon Bautista.
Many found the movie as OA. Usap-usapan talaga sa social media ang nangyari.

Marami ang nagalit at hindi nila nagustuhan ang naging parusa sa comedian. “Napakasensitive naman ng mga tga Davao, that’s a joke! And mr. Bautista said sorry na naman na, why not forgive? You can feel naman the sincerity of him.”

“Maraming Hipon Sa Mga Gym, Maraming Hipon sa Metro Manila, Maraming Hipon sa Pilipinas – Ipadeport nyu na ako please, Maraming Corrupt dito na mas kailangan i persona non grata.”

“Sa totoo Lang mega OA na kayo Mayor Duterte. Nag sorry na yung Tao personally sa show Nya tapos me written pa, remorseful and very apologetic naman si Ramon Bautista.

He doesn’t deserve this kind of treatment sa opinyon ko Lang. :(” “Funny that we live in a country that does not tolerate bad jokes but do tolerate poverty, corruption and chauvinism.”

Ilan lamang ‘yan sa mga comment na nabasa namin. Tanong lang, since parang masyadong mabilis ang naging resolution, ano ba ang ginawa ng Davao City Council when their former mayor slapped a sheriff three years ago? Meron ba silang ginawang action? Parang wala naman, ‘di ba?

Hindi ba bawal sa kanila ang manampal ng isang tao? ‘Yung bad joke pala ay bawal sa kanila, pero ang manampal ng kapwa ay hindi? Nasaan na ba ang logic?

( Photo credit to EAS )

Read more...