Anne Curtis: Na-realize ko na sobrang guwapo at super hot ni Luis Manzano!


NA-HACK ang Twitter account ni Anne Curtis. Ang Kapamilya TV host-actress ang number one sa most-followed Filipino celebrities sa nasabing social networking site with over 6.8 million followers.

Nu’ng isang araw, nagulat na lang ang mga followers ni Anne sa ilang mensaheng naka-post sa kanyang account. Bandang 6:30 p.m. nabasa ng milyun-milyon niyang fans ang tweet niya tungkol sa boyfriend ni Angel Locsin na si Luis Manzano, aniya, “Ngayon ko lang na realize sobrang gwapo ni Manzano! he is sooooooo HOT!”

Late na siguro nalaman ng aktres na may nang-hack sa kanyang account kaya pagkalipas pa ng dalawang oras saka niya in-announce na hindi siya ang nag-post ng nasabing kontrobersiyal na tweet.

May suspek na si Anne kung sino ang gumawa nito. Nangyari raw ito habang nagte-taping siya para sa programang The Singing Bee kung saan kasama niya sina Luis at Iya Villania.

Aniya sa kanyang tweet, “NaHACK twitter ko by a vain tabachingching guy who I just did Singing Bee with. Sino kaya ito? Hmmmmm!”

Mukhang gusto ng hacker na pag-awayin sina Anne at Angel over Luis, ha! Well, it seems like, hindi siya nagtagumpay sa masama niyang balak! Ha-hahaha!

In fairness kay Anne, siya pa lang ang local celebrity na umabot sa over 6 million ang followers sa Twittter, base sa record, nasa ika-162 siya sa listahan ng 200 most-followed celebrities worldwide, ilan sa mga nasa list ang mga Hollywood stars na sina Channing Tatum, Tom Cruise at Hugh Jackman.

( bandera.ph file photo )

Read more...