IDINEKLARA kahapon ng Davao City, sa pamumuno ni Mayor Rodrigo Duterte, bilang “persona non grata” ang komedyanteng si Ramon Bautista matapos nitong tawaging “hipon” ang mga babae sa lungsod.
“He is an extremely corrupt influence to the youth and his abusive behavior should not be tolerated,” sabi ng konseho sa isang resolusyon.
Ito’y kaugnay ng kontrobersiyal na pahayag ni Bautista sa pagdiriwang ng Kadayawan Festival ng Davao City noong Sabado kung saan sinabi niya na, “Ang daming hipon dito sa Davao.”
Naging dahilan ito para sambitin ng mga nanonood ang salitang “hipon.” Ang “hipon” ay isang colloquial term kung saan ang katawan lamang ang maganda sa isang tao.
Humingi naman ng paumanhin si Bautista matapos siyang pagsabihan ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte. Nagsori rin siya sa kanyang Twitter account noong Lunes, kung saan inamin niyang nagkamali siya at sinabing handa niyang tanggapin ang kaparusahan sa kanyang nagawa.
Isinama rin sa resolusyon ang isang insidente kung saan nag-post ng litrato si Bautista kasama ang tatlong mga babae sa kanyang Instagram account sa naturang party kung saan nilagyan pa niya ito ng caption na, “Ito ang kabataan ngayon hihi. #kadayawan #PasisikatinKitaHijaFoundation”.
“Bautista’s action willfully and arrogantly intended to propagate a culture of sexism and male chauvinism that promotes rude and disrespectful behavior against women,” sabi ng pa ng konseho.
Samantala, sinabi ni Bautista na hindi niya kokontrahin ang parusa sa kanya.
( Photo credit to inquirer news service )