Di tamang gear change

MADALING  makasisira sa mga 125cc motorsiklo na may automatic clutch ang hindi tamang pagpalit o pagbawas ng gear.
At ito ang maaaring nangyari sa motorsiklo ng ating texter na si….3218 na taga-Maigo, Lanao del Norte.

Kilala at mapagkakatiwalaan ang gumawa ng kanyang motorsiklo na isang Japanese brand bagamat mayroong mga nakitang factory defect sa inilabas nilang 400cc at 750cc.

Ang sistema ng automatic clutch ay mas sensitibo kumpara sa mga manual motorcycle na mayroong clutch lever. Sa mga manual, mararamdaman ng driver kung kailan dapat magpalit ng gear at ang tugon ng makina na magiging hud-yat ng pagpilit sa selinyador.

Sa auto clutch, hindi maaaring kaagad na ilipat ang gear mula sa kuarta patungong neutral. Dapat ay bitawan muna ang throttle grip o mas kilala bilang “gas” bago magpalit ng gear, pataas man iyan o pababa.

Mas makabubuti kung maghihintay ng dalawa o tatlong segundong interval bago magpalit ng gear  upang magkaroon ng sapat na panahon ang pagpapalit ng ngipin ng gear at maiwasan ang pagkasira nito.

Kung hindi kaagad pumapasok ang kambyo at bumabalik sa neutral, maaaring kailangan nang i-adjust ang gear. Ang pagpapalit ng gear ay depende sa kinakailangang bilis o sa sitwasyon ng kalsada—kung paahon o pababa.

Ang maling pagpapalit ng gear ay maaaring makasira ng mekanismo nito gayundin ang clutch mechanism na parehong mahalaga sa takbo ng motorsiklo.

Kalimitan itong pi-nababayaan o ipinagwawalang-bahala ng mga bagitong driver kaya hindi nagtatagal ang kanilang sasakyan.

MOTORISTA
Engine oil
ASK ko lang, sir. What is the best 4-stroke engine oil for my China-made motorcycles?
0908-9686956

BANDERA
SUNDIN mo lang ang recommended SAE ng bawat unit ng motorsiklo. Matatagpuan iyan sa manual.  Kung wala sa manual ay maaari kang mag-search sa Internet.  Hindi mo binanggit ang cubic cyclinder ng mga motorsiklo.

Kung street bikes ang mga motor (100, 125, 150, 155), SAE 40 lang iyan at puwedeng gamitin ang local brands ng tatlo malalaking kompanya ng langis.  Ang mataas na SAE, o yung racing o pang-big bike, ay makasisira ng makina.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds
Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Read more...