IN FAIRNESS, ang daming pinaiyak ng The Voice Kids grand winner na si Lyca Gairanod sa episode last Saturday ng Maalaala Mo Kaya. Puring-puri rin ng televiewers ang bagets dahil sa impressive performance nito sa kauna-unahang pagsabak niya sa akting.
Inabangan at tinutukan ng buong sambayanan ang nasabing MMK episode kaya naman winner na winner ito sa ratings game. Ayon sa datos ng Kantar Media, ang life story ni Lyca sa MMK noong Sabado ang pinakapinanood na programa sa bansa noong weekend.
Pumalo ito sa national TV rating na 38.4%, o triple ng nakuhang 12.8% ng katapat nitong programa sa GMA na Magpakailanman. Bukod sa TV ratings, namayagpag rin sa Twitter ang unang MMK ni Lyca.
Dahil sa buhos ng tweets ng netizens kaugnay ng makabagdamdaming episode, kaagad naging bahagi ng listahan ng worldwide trending topics ang official hashtag ng programa na #MMKLyca. Gayundin, pasok rin bilang isa sa nationwide trending topics ang mga katagang “watching MMK.”
Kaya huwag na tayong magtaka kung magsunud-sunod na ang acting projects ng bata bukod sa pagiging isang certified singer. Siyempre, nakapanghihinayang naman kung hindi maipakikita ni Lyca sa buong mundo ang galing niya sa pag-arte.
Kaya asahan na natin na very soon ay magkaroon na ng sariling teleserye ang bata. Samantala, sina Enchong Dee at Pokwang naman ang susunod na bibida sa panibagong family drama episode ng MMK.
Ngayong Sabado, bibigyang-buhay nina Pokwang at Enchong ang mga karakter ng mag-inang Lui at Paul na kapwa kinailangang gawin ang lahat upang suportahan ang kanilang pamilya matapos dapuan ng malubhang sakit ang kanilang haligi ng tahanan na si Eddie (Robert Sena).
Paano napagtagumpayan ni Paul at nagawa pang magtapos na Magna Cum Laude sa kolehiyo sa kabila ng lahat ng pagsubok na hinarap niya at ng kanyang pamilya?
Makakasama rin sa episode na ito sina JB Agustin, Carlo Lacana, Phoebe Arbotante, Jerald Napoles at Jaime Jalandoni. Ito ay sa direksyon ni Garry Fernando, sa panulat nina Mark Duane Angos at Arah Jell Badayos.
Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK, tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng
Wansapanataym sa ABS-CBN.
( Photo credit to EAS )