Nagulat sa P500 load

Sulat mula kay Dolora,  ng Sapian, Capiz
Dear Sir Greenfield,
Sana’y sagutin mo agad ang aking problema.  Dalaga pa ako at naghahanap ng mapapangasawa na may pera kahit hindi naman masyadong mayaman—basta parati ang may pera.  Kaya gusto kong sagutin mo agad ang aking problema dahil meron akong textmate at gusto na niyang mag-eyeball kami.  Noong una ay ayaw ko sa kanya.  Nag-iingat ako na baka mapahamak lang ako sa textmate, lalo na kung hindi siya tagarito.  Noon ay hindi ko siya sinasagot at pinapansin.  Pero, nagpadala siya ng load na P500.  Laking gulat ko talaga dahil ngayon ang ako nagkaroon ng ganito kalaking load.  Hindi ko nga kaya ang P300 load dahil mahirap lang ang pamilya ko at patulung-tulong lang ako sa pagtitinda ng nanay ko.  Hindi na ako makaiiwas sa kanya dahil sinabi niya sa kanyang huling text na alam na niya kung nasaan ang bahay ko at pupuntahan daw niya ako.  Ano ang gagawin ko?
Umasa,
Dolora, ng Sapian, Capiz
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malinaw ang Marriage Line (Illustration 1.) sa palad mo.  Kung sakaling di ka na makaiiwas sa kanya at ligawan ka niya ay baka siya na nga ang magiging boyfriend mo.  At dahil sa di mapasusubaliang Marriage Line, kayo na nga ang magkakatuluyan!
Cartomancy:
Ayon sa Jack of Hearts, nakapag-aral ang lalaking magiging boyfriend mo.  Malinis siya sa katawan at maipagmamalaki ang kanyang hitsura. Guwapo siya sa mata ng karamihan.  Ang Nine of Hearts ang nagsasabing hindi magtatagal, mabubuo ang masaya at matamis na pagsusuyuan, na hahantong upang tulad ng iyong inaasahan, siya na nga ang magiging first boyfriend mo. At sa piling niya ayon sa Queen of Clubs, tunay ngang magiging maligaya ka.
Itutuloy

Read more...