Vice Ganda: Ako na yata ang pinakamasamang artista! | Bandera

Vice Ganda: Ako na yata ang pinakamasamang artista!

- February 23, 2012 - 03:55 PM

May mga taong gusto siyang pabagsakin

TAMA nga si Vice Ganda when he mentioned to us na hindi ang show niya na Gandang Gabi Vice ang papalitan ng bagong show ni Sarah Geronimo na Sarah G. Live sa ABS-CBN ngayong Linggo kundi ang Junior Master Chef Pinoy Edition ni Judy Ann Santos.

Hindi naman kasi mapuputol sa ere ang GGV kundi mapapanood pa rin ito ngayong Linggo na maghuhudyat para sa simula ng second season ng super trending worldwide na show ni Vice.

Kaya pala nagtataka si Vice kung bakit pilit siyang iniintriga kay Sarah gayung wala naman silang kaisyu-isyu. Meron lang daw siguro na gustong magpabagsak kay Vice.

“Tinawagan nga ako ni Gladys (Reyes)  isang araw at sinabi niya na may bagong issue na naman daw tungkol sa akin.

Sabi ko sa kanya, ‘Ano ba namang bago? Ako na yata ang pinakamasamang artista!’ sabi kong ganyan.

Pero sabi ko sa kanya hindi ko kailangang mag-explain kasi alam naman ni Gladys ang totoo.

“Hindi sumasama ‘yung loob ko pero kahit paano nakakalungkot kasi ang tanong ko sa kanila, ‘Ano bang ginagawa ng mga taong ito at gusto nilang pabagsakin ang mga tao? Wala namang ginagawang masama sa kanila.

Bakit gusto nilang pag-awayin ang mga artista?’

“Kasi ako, hindi ako nagre-react pero marami akong nababasa na nag-aaway daw kami ni Sarah.

May mga sinasabi sila na sinabi ko daw kay Sarah. Sabi, ‘Saan ba nanggagaling ‘yan? Bakit kailangang awayin si Sarah or pag-awayin kami ni Sarah?’

Punumpuno ng negativity ang industriyang ‘to, nasa ‘yo na lang kung papaapekto ka.

Kasi, ‘pag nagpaapekto ako, ‘di na ko makakangiti sa It’s Showtime. Hindi na ako makakapagpatawa.

Hindi na ako makakapag-isip ng jokes, ‘di ba?

“Pero ang dami talaga eh, kaya dasal ako nang dasal, araw-araw. Hindi ko nga sila kilala, eh.

Hindi ko sila nakasama sa isang bahay kahit isang araw.

Hindi nila alam kung anong relasyon ko sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko.

Hindi nila alam kung gaano karaming kaibigan meron ako. At hindi nila alam kung gaano karaming tao ang napapasaya ko,” mahabang pahayag ni Vice.

Marami naman ang naaliw sa production number ni Vice with Sarah sa GGV.

Patikim pa lang daw ‘yun ng gagawin ni Sarah sa Sarah G. Live kung saan makakasama niya as co-host si Luis Manzano, musical  director niya si Louie Ocampo, cheographer si Georcelle Dapat-Sy ng G-Force at sa direksyon ni Erick Salud. Join din dito si Gab Valenciano as dance performer and a special guest co-host every week.

Braver at mas mapangahas na Sarah ang mapapanood sa Sarah G. Live na magsisimula na sa Linggo, Feb. 26. World-class concert performances daw ang gagawin ni Sarah na siyang magpapatotoo na siya ang pinakamaningning na bituin sa kanyang henerasyon.

Of course, curious kaming malaman kung pwedeng maging co-host or guest man lang ni Sarah ang kanyang ex-BF na si Rayver Cruz sa kanyang show.

Medyo natigilan at ‘di agad nakasagot si Sarah sa tanong namin pero nagsalita rin naman siya na pwede naman daw.

Why not coconut? Mas bongga kung gagawa ng production number si Sarah sa show niya kasama ang natsitsismis na boyfriend niya ngayon na si Gerald Anderson at ang ex niya na si Rayver.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutal pareho namang mahusay na dancers sina Gerald at Rayver, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending