Kris bawal makialam sa relasyong Grace-Noynoy

PINAGBAWALAN pala si Kris Aquino ng kanyang mga abogado na magsalita tungkol sa plano niyang pag-aampon kina Joshua at Bimby.

Matatandaang nagsalita ang TV host-actress na aampunin niya si Bimby dahil napawalang-bisa na ang kasal nila ni James Yap dahil walang awtoridad ang taong nagkasal sa kanila.

“I’m not allowed to talk about it, papagalitan ako ng lawyers ko, kasi pala ang family court sealed as in hindi raw dapat pinag-uusapan, so napagsabihan nila ako na wag na raw ako magdaldal, sorry,” ito ang pakiusap ni Kris sa ginanap na contract signing niya kasama si Apl de Ap sa San Miguel Corporation bilang mga bagong endorser.

Dagdag pa, “Kasi parang ano daw, in the interest of minors kasi it’s not discussed, so ‘yun na sinabihan ako, ang puwede ko lang daw sabihin is that the reason for that talaga is because I need to protect my children’s interests and I need to make sure na kung ano yung pinaghirapan ko mapakinabangan naman nila talaga, so ‘yun lang ‘yun and also (kung may mangyaring masama sa kanya…knock on wood daw), kasi pinagawa ako ng Holographic will.

Ano nga ba ang Holographic will at ano ang kahalagahan nito? “It’s something na,  it should be handwritten, it should be dated, and it should be witnessed, and kahit na ikaw lang ang nagsulat nu’n, valid ‘yun!

“Kasi habang hindi pa napa-finalize ‘yung status nu’ng kids kailangan may ganu’n ako because both are under age, para meron talagang mamamahala kung may mangyari sa man akin,” paliwanag pa ni Kris.

Samantala, natanong din si Kris tungkol kay Grace Lee na girlfriend na raw ngayon ng Pangulong Noynoy dahil bukambibig na raw ito ng kapatid niya?

“Hindi rin siguro, kasi ina-avoid ni P-Noy, para hindi ako magdaldal sa inyo, di ba! Ha-hahaha!”

“Alam mo kasi sobrang loving kami ngayon ng brother ko, so gusto kong mag-stay kaming ganu’n, so manahimik na lang ako, favorite niya ‘ko ngayon kasi tahimik ako eh,” natatawang sabi pa ng presidential sister.

Pareho silang madaldal ni Grace at pareho ring TV host kaya’t tiyak na magkakasundo sila dahil iisa ang lengguwahe nila? “

All I can say is, I’ve heard from (our) mutual friends, kasi kaibigan niya si Congresswoman Lucy (Torres-Gomez), because they work together on a show for a long time and good nakilala din siya ng maayos at mahusay ni Sweet (John Lapus), so two of my closest friends and they told me na ang maganda raw  talaga sa kanya is that magaan siya, she’s bubbly, she’s well informed, and totoong-totoong tao daw.

Madali raw makapalagayan ng loob,” paglalarawan pa ni Tetay.

Samantala, ginanap na kahapon ang pictorial nina Kris at Apl de Ap para sa San Miguel TV ad at ngayong araw naman ang look-test para sa serye nila nina Robin Padilla at Anne Curtis na may titulong Kailangan Ko’y Ikaw mula sa direksyon nina Malu Sevilla at Joyce Bernal.

Read more...