Kris nakunsensiya, biglang umuwi ng Pinas mula sa U.S. dahil kay Boy

KRIS AQUINO AT BOY ABUNDA

NAPILITANG umuwi agad ng Pilipinas si Kris Aquino mula sa Amerika dahil na rin sa pagkakasakit ng kanyang kaibigan at co-host sa mga programang The Buzz at Aquino & Abunda Tonight na si Boy Abunda.

Nagbakasyon sa New York si Kris bilang regalo raw sa kanyang sarili, at kung hindi nga magkakaproblema, ngayong araw ang balik niya sa bansa para sa live episode ng Aquino & Abunda Tonight. Sa kanyang Instagram account sinabi ni Kris na kailangan na niyang umuwi dahil hindi pa maaaring magtrabaho si Boy na naka-confine pa rin hanggang ngayon sa ospital dahil sa sakit sa liver.

Dagdag pa ni Kris, hindi niya kayang magpakaligaya sa New York habang may karamdaman ang kanyang kaibigan.

“I was able to communicate w/ Bong, Boy Abunda’s life partner, my boss tita Cory Vidanes & my Talk BUH @luiandrada. Boy will still need a couple more weeks to fully recover & I VOLUNTEERED to fly home the morning after I get to watch Eminem’s concert,” chika ni Kris sa kanyang IG account.

“Boy is my BEST FRIEND, my manager, my mentor & my support system. Hindi ko kaya mag enjoy ng vacation knowing that he’ll be stressed if neither 1 of us is on Aquino & Abunda.

“We’ve worked together cumulatively for 16 years & it has worked because of our shared passion to be the best & to give our loyal Kapamilya audience consistently good, factual, responsible & fun talk experiences… I like to believe we bring out the best in each other, kaya on Tue, Aug 19 (today) LIVE, straight from the airport, on A&A,” dagdag pa nito.

Hirit pa ng TV host, “I will have many more vacation opportunities in the future, but for now I need to prove to Boy my priority is for his full recovery w/ as little work related stress as possible! I Will BE HERE.”

Samantala, sa pagbabalik ng bansa ni Kris, magtutuluy-tuloy na rin ang shooting nila para sa “Feng Shui 2” ni Coco Martin, na isa sa official entries sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Promise ng mommy ni Bimby, mas matitindi ang death scenes sa part two ng “Feng Shui”, “Nakaka-excite din lahat ng mga death scenes, kasi yun naman yung inaabangan natin. I’m sorry, I know it’s Christmas, pero maiba naman. Ang bobongga ng death scenes dito sa bago. Remember yung unang ‘Feng Shui’, yung death scene sa Red Horse? Mayroon nang kakabog du’n!”

Walang love angle sa movie sina Kris at Coco, “Ako si Lester sa movie na naghahanap ng maganda ng oportunidad sa buhay, papasukin at gagawin ang lahat para makaahon sa buhay. Dumating yung pagkakataon na na-encounter ko yung bagwa na makakapagbigay sa ‘kin ng swerte.”

Hirit naman ni Kris, “Ako yung magbigay kay Lester ng warning na may kapalit ‘yan. Hanggang du’n na lang. Lahat ng swerteng ‘yan ay may kapalit. At doon ay mararanasan n’ya ang lahat ng naranasan ko noon.”

Read more...