Ang manok na masaya ay manok na masarap

Kamakailan ay nagkaroon ng kakulangan sa supply ng manok sa bansa. May isang kilalang fast-food chain na halos magsara ang kanilang sangay dahil sa kakulangan ng manok.

Minsan ay tinatanong ko ang aking sarili kung anong klaseng manok ang kanilang ginagamit? Dahil karamihan  ng mga manok na inahahain ay pawang puno ng kemikal at antibiotic na nakakasama sa ating kalusugan.

Natatandaan ko pa noong araw, kapag bumibisita ako sa mga kaibigan kong magsasaka sa Cavite ay karaniwang hinahabol at hinuhuli ang manok na kakainin namin sa tanghalian. Ito ang diwa ng “free-range” chicken.

Ang “free-range” ay isang paraan sa pag-aalaga ng mga manok, kung saan ang mga ito ay malayang nakapaglalaboy sa kabukiran na kumakain lamang ng mga damo at buto.

Kabaligtaran ito ng mga manok na pinalaki sa loob ng hawla na nagsisiksikan at hindi nakaapak ng lupa at pinakain lamang ng mga “feeds” na puno ng kemikal at pinatay nang sabay-sabay sa isang pabrika na kaduda-duda ang kalidad ng kalinisan nito.

Pamora Farm
Sa Brgy. Garreta, Pidigan, Abra ay matatagpuan ang Pamora Farm, isang Euro-Filipino, Eco-Agro-Turism destination farm.

Dito ay matatagpuan ang mga French-breed, free-range chicken, mga organikong gulay, manggang kalabaw at iba’t ibang bungang-kahoy.

Sa paligid ng kabukiran ay mga malalaking puno na tulad ng narra, mahogany at teakwood na pinapalaganap at tinanim upang buhayin muli ang kagubatan.

Itinatag ang Pamora Farm noong Marso 2000 mula sa isang maliit na operasyon nina Gerard Papillon at Tina Morados.

Pino-promote ng Pamora Farm ang French style na “Gite a la ferme” farmhouse accomodation, kung saan  ang mga bisita ng kanilang farm ay maaaring maranasan ang mamuhay sa kabukiran.

Maaari ring bisitahin at tingnan ang kanilang operasyon at, siyempre, kumain ng masasarap na pagkain na gamit ang kanilang mga alagang manok at iba’t ibang produkto tulad ng free-range chicken’s eggs at home-made pâtés.

Pangitain, misyon at hilig
Natutuhan nina Tina Morados at Gerard Papillon an pag’aalaga ng free-range, organic chicken mula kay Anthony “Bobby” Inocencio.

Pinangarap ni Bobby na magtayo ng isang organic chicken farm dahil siya mismo na isang producer ng manok ay hindi niya makain ang sarili niyang alaga dahil kung anu-ano ang itinuturok na kemikal at ang pinapakain dito.

Kasama siya nina Tina at Gerard na naglakbay sa Pransya upang pag-aralan nang mabuti ang tamang pag-aalaga ng free-range na manok sa organiko at malinis na paraan.

Noong 1996, habang bumibisita sa isang trade fair sa Bangkok, Thailand ay nakilala ni Bobby si Jean-Baptiste Dorival, isang magsasakang Pranses at nagsimulang tuklasin ang posibilidad ng pag-aalaga at pag-aangkat ng manok mula sa kanlurang  rehiyon ng Asia.

Dito nabuo ang ideya ni Bobby upang magkaroon ng lakas ng loob at pangitain upang bumuo ng isang farm para sa pagpapalaki ng organic na manok.

Sa mga sumunod na taon ay ibinahagi ni Bobby ang kanyang kaalaman, partikular kina Tina at Gerard, sa pag’aalaga ng manok.  Naglakbay rin sila sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas upang humanap ng angkop na lugar.

Upang lubos na maunawaan ang tamang pag-aalaga ng organikong manok, naglakbay din sila sa Sabres, rehiyon Landes, timog-kanluran ng Pransya, ang sentro ng pag-aalaga ng free-range chicken sa Europa.

Sa kasawiang palad ay pumanaw si Bobby bago niya nakita ang bunga ng kasipagan ng kanyang mga disipulong sina Gerard at Tina– ang Pamora Farms.

Masigla na ang kanilang negosyo at patuloy silang tinatangkilik ng mga pangunahing restaurants sa Metro Manila.

Malakas na rin ang bentahan nila sa mga supermarket. Bagamat mas mahal ang presyo nila ng kaunti sa regular na manok, nakakasiguro ka na mas mabuti ito sa iyong kalusugan.

Malaki rin ang naiiambag ng Pamora Farms sa larangan ng pagbibigay hanap-buhay sa mga mamamayan ng Abra, at gayun din sa pagpapayabong ng turismo sa lalawigan.

CHICKEN TINOLA
Ingredients:
Pamora Free-range Chicken – approx. 1.2 kg.  (cut into pieces of your desired size)
Green Papaya – approx. 500g. (cut into 2 inches rectangular shape)
Chili green leaves – 200-300g.
Onion – 150g. (sliced for stir frying)
Ginger – 150g. (sliced for stir-frying)
Salt
Pepper
Cooking oil
Water – 4 to 5 cups

Cooking
procedure:
1. Pre-heat cooking oil in a big fry pan or casserole. Stir-fry the onions, then the ginger and then the chicken until light golden brown. Medium fire for slow cooking procedure.
2. Once the chicken is lightly golden brown, add the green papaya and stir-fry for about 3-5 minutes.
3. Add water to boil. Avoid that the green papaya be over cooked.
4. Add salt & pepper according to your taste.
5. Lastly add the chili leaves. Best served with rice.

Read more...