“Isipin mo naman tatay ako ni Kim Chiu, laking guwapo points niyon!” Ito ang natatawang chika ni Smokey Manaloto nang tanungin kung ano ang feeling na gumanap na tatay ng Teleserye Princess ng ABS-CBN sa Ikaw Lamang book 2 na napapanood after Hawak Kamay.
Kaya abot-langit ang pasasalamat ni Smokey sa Dreamscape Entertainment dahil kinonsider siya sa ikalawang yugto ng nasabing Primetime Bida serye. Sila ni Arlene Muhlach ang magiging comic relief sa serye, “Kami ang magpu-provide ng lighter side, kasi iba yung pinanggalingan ni Kim doon sa naunang kabanata, na masyadong mabigat, e.
Hindi naman sa lagi na lang kaming comic side rito. “Very excited ako sa mga eksena namin dahil sabi nila magaan daw siya katrabaho, masayahing tao, magaling na artista.
Kaya I’m really looking forward na maging ama niya rito sa Ikaw Lamang,” ani Smokey.