Of late ay binabatikos si Carla Abellana for being too frank to the point of being bastos. Kung magbitaw kasi siya ng mga salita ay with sarcasm, palaging may patutsada at ang akala mo ay kung sinong over achiever.
When someone asked her daw kung napatawad na niya ang ex-boyfriend niyang si Geoff Eigenmann, ito raw ang naging sagot ni Carla: “Kung si God nga kayang mag-forgive ng kahit sinong demonyo, ‘di ba? Sino ba tayo para mag-hold ng grudges?”
Geoff’s manager Perry Lansingan did not take this sitting down. In an apparent move to get Carla into her senses, Perry posted this message, “Napakaguwapong DEMONYO! Kahit ako mai-in love!”
Lately, Carla’s straightforward manner of addressing issues against her have worked to her disadvantage. Nagiging kontrabida ang dating niya.
Kung marami ang humahanga dahil sa kanyang sweet face, mas marami ang nate-turn off when she opens her mouth. Para kasi siyang galit parati kung magsalita, her words are SPITEFUL, reek NEGATIVITY and show her MONSTER side.
Pati tuloy si Geoff na palaging tahimik ay natuto na ring magpatutsada sa kanya. Siguro ay nasasaktan na rin ang binatang anak nina Michael de Mesa at Gina Alajar dahil sa mga pasaring ni Carla kaya ayun pinatulan na rin siya.
( bandera.ph file photo )