NAGULAT ang young actor na si Albie Casino nang malamang kasama pala nila sa pelikulang “Somebody To Love” ang nanay ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann. Yes, hindi raw talaga aware ang binata na ka-join sa movie si Jaclyn Jose.
Sa presscon ng “Somebody To Love” na pinagbibidahan din nina Carla Abellana, Iza Calzado at Matteo Guidicelli, inamin ni Albie na sa trailer lang ng pelikula niya nakita na isa sa supporting cast members ang nanay ni Andi.
Alam naman ng lahat na bad trip ang aktres kay Albie dahil sa nangyari sa kanila ni Andi noon. Hanggang ngayon ay halatang galit pa rin si Jaclyn kay Albie dahil sa pagtanggi nitong siya ang ama ng naging anak ni Andi na si Elle.
Kuwento ni Albie, “We didn’t work together naman sa movie kasi kaya hindi ko alam, I found out like three days ago… when I saw the trailer. Wala lang, nagulat lang ako.”
Pero sey ng binata, okay lang sa kanya kung magkasama uli sila ni Jaclyn sa isang project at magkaroon ng mga eksena together, “I wouldn’t have the right to say no, you know what I mean?
They’re giving me work, so that’s part of the job, I won’t bitch about it.” May chika na willing naman daw si Andi na ipakita at ipakilala kay Albie ang sinasabing anak nila, ano ang reaksiyon niya rito? “Hindi ko pa naririnig, I just heard about it now.
Sorry, I don’t know how to react.” Pero sey ni Albie, okay na sila ni Andi, “Yeah. I mean, I guess… yeah, we’re okay. Forexample, if I see her… I wouldn’t say we’re friends, but we’re not enemies.”
Napag-usapan na ba nila ni Andi ang tungkol kay Elle? “We haven’t talked about anything,” sagot ni Albie na halatang pagod nang makipag-sagutan kay Andi.
Speaking of “Somebody To Love”, nakaka-relate raw si Albie sa role niya sa movie, pero agad niyang nililinaw na hindi siya marunong mag-take advantage sa ibang tao, kundi ang pagsisikap para makuha ang gusto niya na hindi naibibigay ng kanyang mga magulang.
“Yung role ko sa pelikula, hindi siya happy-go-lucky. He’s a personal trainer and he’s going through some things. So, he has to do things he doesn’t really like. In real life, there are times na I had to do things to get money.
“Like, for example, when we were growing up, my brother and I, we didn’t really have…Not everything would be given to us, you know what I mean? My parents were able to provide the necessities, but the extra things, I have to work for it.
That’s why I got into acting to provide myself the extra things I wanted,” esplika ng binata.Showing na ang “Somebody To Love” sa Aug. 20 nationwide sa direksiyon ni Joey Reyes under Regal Entertainment.
( bandera.ph file photo )