Idinenay ng TV host-actress na si Bettina Carlos na magdyowa na sila ni Raymart Santiago. Pero inamin niyang naging close sila ng ex-husband ni Claudine Barretto nang magkasama sila sa seryeng Villa Quintana sa GMA 7.
Ayon kay Bettina, never siyang niligawan ni Raymart, nagtataka nga siya kung bakit nali-link sila ni Raymart, at sinisisi pa kung bakit daw nawawalan ng oras si Raymart sa kanyang mga anak.
“I don’t know why my name is being dragged to this. I’m not part of their marriage naman or their legal battle and tapos na ang Villa naman…
Nagsimula lang ‘yan noong magkasama kami ro’n,” sey pa ni Bettina nang makachika namin sa presscon ng royal wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes kung saan siya nagsilbing host.
Paano nga kung ligawan siya ni Raymart? “Hindi ko alam, kasal pa siya, ‘di ba? So siguro kapag maayos na lahat, saka na lang natin tingnan. Kasi, wala naman.
Kumbaga, ayusin muna nila ang mga dapat nilang ayusin na mag-asawa.” Hirit pa niya, hinding-hindi siya papatol sa may asawa.
( bandera.ph file photo )