NU’NG isang gabi, sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM Teleradyo, may nag-text sa amin, tinatanong niya kung totoo raw ang chikang tinawagan ni Megastar Sharon Cuneta si Christian Bautista para lumipat na sa TV5?
Nagulat ako dahil parang wala namang problema si Christian sa ABS para lumipat ng istasyon, kasi nga, mukhang alagang-alaga naman siya sa Dos.
Sa totoo lang, liyamadong-liyamado nga siya palagi compared to his co-performers as far as good exposure sa ASAP 2012 is concerned.
“Close talaga sina Sharon and Christian. Di ba, nu’ng nasa Dos pa si Sharon, palagi niyang guest si Christian and she calls him ‘anak’ pa nga.
Kaya hindi na ako nagtataka kung may ganoon ngang eksena between them,” anang isang kaibigan namin.
“Sina Christian and Erik Santos ang mga favorite ni Sharon. Love niya ang dalawang iyan kaya baka hindi lang si Christian ang kinausap ni Mega kung totoo nga ang chika, baka pati si Erik din niyaya niya?” dagdag pa ng kausap natin.
Wala namang problema kung maglipatan sila, eh. After all, hindi naman sila ang poste ng ASAP. They’re just part of the entourage.
Kumbaga, hindi naman siguro mapipilay ang ASAP without them. Sakaling lumipat ang dalawa sa Singko, good luck na lang sa mga career nila.
Tiyak na tatamlay to the max ang kanilang mga karera kapag umalis sila sa Dos. Buhay na buhay pa naman sila sa TFC – doon pa naman sila kumikita ng malaki.
“Since malapit na raw mag-expire ang kontrata ni Christian sa Dos, kinausap daw nila ng manager niya ang management kung meron daw silang nakalatag na career plan para kay Christian.
Nang sabihin ng management na wala pang concrete plans, sumama raw ang loob nina Christian and they are starting to entertain the thoughts of moving to another network.
“Iyon ang kuwento sa loob. Nakakaloka, di ba? After all those years na pinasikat si Christian ng Dos, isang beses lang medyo hindi nakalinaw ng malalaking proyekto, nagtampo agad.
Walang kinaiba iyan sa kasabihan ng matatanda – isang malinis na bond paper na ubod ng puti, napatakan lang ng maliit na tinta, yung tinta na ang nakita. Hindi na pinansin ang kabuuan ng papel.
Kumbaga, sa dinami-dami nang nai-tulong ng Dos sa buhay at kakera nitong si Christian, minsan lang hindi napagbigyan, nagtampo na,” anang isa pang nakausap namin.
In fairness, hindi pa naman namin nakukuha ang side ni Christian on this, kung totoo ba ang chikang ito o hindi. We would sound very unfair kung idya-judge natin siya agad na ingrato.
Let’s hear naman muna his side. Pero kung totoo ang chikang aalis na siya in favor of Sharon’s invite to join TV5, magiging ibang usapan iyan. And good luck sa kanya.
Is Sharon Cuneta into artist management na? Iyan ang tanong sa amin ng isang mahaderang reporter dahil nga sa balitang in-invite niya ang ilang artists ng Dos na lumipat na sa TV5 dahil maganda raw ang kita roon and magaganda ang mga plano nila as far as projects daw are concerned.
Totoo ba ito, Shawie?
Porke nag-imbita lang si Sharon ng mga anak-anakan niya to join her sa TV5, ibig bang sabihing agad siya na ang manager?
Hindi naman ganoon iyon. Baka gusto lang niyang makatulong, baka iyan ang laman ng puso’t isipan niya.
Pero on hindsight, hindi tulong ang mapapala ng mga artists na ito pag lumipat sila doon – tiyak na forever nang lalaylay ang popularity nila.
Believe me. May kahinaan pa ang Singko as of the moment. Not this soon, OK?