Walang planong kasal (2)

Sulat mula kay Zany ng Kapatagan, Lanao del Norte
Prolema:  
1      Tatlo na ang anak namin ng kinakasama ko at ngayon ay dalawang buwan buntis na ako pero wala pa rin plano ang mister ko na pakasalan ako.  Masaya naman ang aming pagsasama kahit paminsan-minsan ay dinadalaw kami ng problema na matagal malutas.
2. Nararamdaman ko na nagagalit sa akin ang aking asawa dahil tinitiyempo ko ito na masaya siya at magpapajinga na kami saka ko siya tinatanongkung kailan ba kami magpapakasal.  Ang palaging sagot niya ay “saka na muna” o wala pa sa kanyang plano sa taon ito.  Pakakasalan ba niya ako?  December 5, 1986 ang birthday ko at August 10, 1982 naman ang lalaking kinakasama ko.
Umaasa,
Zany ng Kapatagan, Lanao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Leo sa lalaking iyong kinakasama ay nagsasabing compatible at tugma nga kayong dalawa, kung saan, maaaring ang kinaiinipan mong kasalan ay maganap sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto sa susunod na taon.
Numerology:
Ang birth dates ninyo ay nagsasabing bukod sa tugma kayo sa Astrology, tugma din kayo sa Numerology, dahil ang 12 ay 15 ay kapwa divisible by 3. Ibig sabihin compatible na compatible nga kayo, kaya naman sa taon 2015, tulad ng nasabi matutupad ang pangarap mong kasal.
Luscher Color Test:
Sa araw ng kasal mapalad na motif ang kulay na pula o kaya’y lila, o violet sa nasabing kulay, tuloy-tuloy na pagpapalain at susuwertehin ang inyong samahan.
Huling payo at paalala:
Zany, mapalad ka, dahil tiyak na ang magaganap, kapag sinabihan mong muli ang inyong ka-live tungkol sa gusto mo na ng kasal, kusa niyang tutuparin ang iyong kagustuhan, upang pagsapit ng 2015, magiging abala na kayo kapwa sa paghahanda sa araw ng inyong kasal na nakatakda namang maganap sa nasabing taon sa buwan ng July ihaharap ka sa altar ng lalaki at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Read more...