Buong-buo naming napanood ang ikalawang sex video ni Paolo Bediones na tumagal nang labing-anim na minuto. Hindi init ng katawan bilang imbitasyon ng naturang sex video ang aming naramdaman habang pinanonood ‘yun kundi awa sa newscaster dahil parang nawalan din naman ng saysay ang pagsusumbong niya sa mga otoridad kamakailan.
Inilatag na ni Paolo ang kanyang problema, sinabi na niya na may grupong humihingi sa kanya nang tatlong milyong piso para hindi na ilabas ang tatlong sultada ng kanyang sex video, pero wala ring nangyari.
Inilabas pa rin ang ikalawa niyang sex video na nakauumay namang panoorin dahil ganu’n at ganu’n pa rin ang laman kahit magkaibang babae ang kanyang kasiping.
Naiinis lang tuloy kami kay Paolo dahil bakit kasi hindi siya nag-ingat, bakit kailangang i-video niya nang i-video ang kanyang mga pakikipagtalik, nangongoleksiyon ba siya ng mga panooring porno na siya ang bida?
May pangalan siyang tao, mahaba pa ang nakaabang na oportunidad para sa kanya, pero kung bakit may panahon pa siyang makipagtalik habang kinukunan niya ang mga ginagawa nila ng babae sa sex video?
Hindi ba naman nakakainis isipin na matalino si Paolo Bediones, maraming humahanga sa kanya, pagkatapos ay heto at bumibida siya sa mga sex video na hindi niya maaaring itanggi.
Lumabas na ang ikalawa, may lalabas pa palang isa, ilan pa kaya ang mga sumunod niyang pakikipagtalik na may mga nakatutok ding camera?
( bandera.ph file photo )