Angelica: Si Jane Oineza ang gusto kong manalo sa PBB!


She may have been biased pero bet na bet ni Angelica Panganiban si Jane Oineza para manalo sa PBB All In. Wary nga ang aktres kung nominated si Jane for eviction kaya naman napa-tweet siya ng, “Ay, napaka gulo na yata ng voting ngayon.

Basta lahat naman ng naiwan, bet na natin maging big4. Pero gusto ko sana si jane kasali. Pano ba ma save si jane?”
“Gusto kong kasama si jane, kasi lately na lang ako nakanood, and nakita ko na pursigido syang lumaban hanggang dulo, kahit na artista sya.

“Hindi nya prinotektahan image nya, ang gusto lang nya, lumaban. Ewan ko ha, correct me if im wrong, ngayon na lang ako nakanood ng pbb. Napanood ko kasi nung lumabas si manolo, wala man lang natuwa na naiwan sya.

Wala sumalubong… Oh well, yun lang naman napanood ko.” ‘Yan ang sunud-sunod na tweet ni Angelica para suportahan ang kapwa niya artistang si Jane.

Actually, this gives Jane undue advantage. Since celebrity siya, meron siyang nakukuhang kakampi na mga sikat tulad na lang ni Angelica. Kawawa tuloy ang mga hindi celebrity na kasama sa Bahay ni Kuya.

Ang balita namin, marami ang pabor na si Jane ang tanghaling PBB big winner.

( bandera.ph file photo )

Read more...