Coco: Torpe ako sa babae! | Bandera

Coco: Torpe ako sa babae!

- February 22, 2012 - 03:10 PM

HINDI  imposibleng ma-in love si Coco Martin sa isang babaeng mas matanda  sa kanya.

Ayon kay Coco, hindi naman natuturuan ang puso at naniniwala siya na darating at darating din ang babae para sa kanya.

Naitanong kasi sa leading man ni Julia Montes sa seryeng Walang Hanggan ng ABS-CBN, kung posible bang magmahal siya sa isang tulad ni Dawn Zulueta na kasama nga niya sa Walang Hanggan.

“Oo naman, walang imposible diyan.

Basta nagkaintindihan kayo. Sabi ko nga, ang puso naman, walang age ‘yan.

Hindi mo alam kung mai-in love ka sa isang may edad sa ‘yo,” chika ni Coco.

“Before, meron din na medyo mas matanda sa akin ng konti, pero hindi mas bata,” chika ni Coco.

Inamin din ni Coco na super crush  niya si Dawn noon pa, “Kahit hindi pa kami nagkakasama sa Walang Hanggan, humahanga na ako sa kanya. Sino ba ang hindi, di ba? Ang ganda niya at ang galing pang umarte at mabait pa, di ba?”

Kung single pa si Dawn, liligawan ba niya? “Naku, hindi niya ako magugustuhan! Baka hindi ko na rin susubukan, dahil alam n’yo naman, medyo may pagkatorpe ako. At kung medyo alam kong hindi ako papasa, e, hindi ko na susubukan.”

Naichika rin ng aktor na grabe ang bonding nila ni Dawn sa Italy recently kung saan kinunan ang ilang mahahalagang eksena nila sa Walang Hanggan, “Masaya, kasi kaming-kami lang talaga.

Tapos ang pakiramdam ko, e, gumagawa kami ulit ng isang indie movie, kasi walang artista sa amin, walang director.

“Lahat kami nagtatrabaho, kami-kami lahat ang nagbubuhat ng mga gamit, kaya ang saya-saya ng bonding.

Tapos lahat kami, magkaka-vibes at lahat kami magkakasundo.

Kaya kahit sobrang hirap, sabi ko nga, pa-ngarap ko talagang makapag-shooting sa abroad,” kuwento pa ni Coco.

Tungkol naman sa leading lady niyang si Julia Montes, dinenay ni Coco na niligawan niya ito, pero binasted siya agad.

“Walang ganu’n. Tsaka ‘yung sa ligaw-ligaw, hindi talaga, e, kasi bantay-sarado siya ng lola niya! Ha-hahaha! Joke lang.

Pero magkasundo naman kami ng lola niya! Tsaka sobrang bata pa   niya,” say ni Coco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, napapanood pa rin ang Walang Hanggan sa Primetime Bida ng ABS-CBN kung saan kasama pa rin sina Richard Gomez, Susan Roces, Helen Gamboa, Paulo Avelino, Melissa Ricks at marami pang iba!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending