Part 2 ng Sex Video ni Paolo ‘SHOWING’ na; mas matindi ang mga eksena sa kama


MATAPOS tumangging magbayad ang news anchor-TV host na si Paolo Bediones ng malaking halaga kapalit ng master copy ng kanyang sex video, kumalat na ang sinasabing part 2 nito sa internet nitong weekend.

Sa mga nakita naming screen shots na diumano’y kuha sa nasabing video scandal, tila mas malinaw ang mga ito kumpara sa mga kumalat noon.

Kamukhang-kamukha pa rin ni Paolo ang nasa larawan kaya kumbinsido ang mga nakapanood ng video na siya nga ang lalaking nakikipagtalik sa isang babae.

Ayon sa ulat, tumagal ng 16 minuto ang part two ng sex video at marami ang nakapansin na kamukha rin ng babaeng katalik ni Paolo sa  unang video ang nasa ikalawang bahagi nito.

Kaya naniniwala ang mga netizens na siguradong pinlanong mabuti ang pagpapakalat nito. Balitang mas matindi ang mga eksena sa part 2 ng video kesa sa unang lumabas.

Kitang-kita rin na alam ng dalawang bida rito na nire-record ang kanilang ginagawa sa kama dahil may mga screen shots kaming nakita na nakatingin sila sa camera.

Nauna nang inihayag ni Paolo na may taong namba-blackmail sa kanya, inilabas pa nga nito ang isang sulat kung saan humihingi ng malaking halaga ang nagpadala kapalit ng master copy ng kanyang sex video.

Humingi na rin ng tulong si Paolo sa PNP para mahuli agad ang suspek. Sa kabila ng paglabas ng iskandalosang sex video ni Paolo, tila wala naman itong epekto sa kanyang trabaho bilang broadcast journalist at TV host.

Hindi rin siya binigyan ng parusa ng TV5 kahit na may mga nagsasabing dapat daw itong masuspinde bilang news anchor.

( bandera.ph file photo )

Read more...