“It’s nothing dramatic. It’s just a break-up of two people who tried very hard and it doesn’t work,” ang sabi ng cosmetic surgeon nang dumating siya sa airport mula sa United States.
Ang nakakaloka, may gimik pa si Dra. Belo! Naka-wheelchair siya at nakatalukbong para iwasan ang media na naghihintay sa kanya.
Kaya lang, nabuking pa rin ang kanyang drama.
Itinanggi rin niyang may bago na siyang karelasyon, “That’s not true, not true at all, totally not true.
I guess binabaligtad lang ako. I gave everything I have and I have nothing left to give. I just go on. I just move on with my life and I hope that he moves on with his.”
Sa huli ay umaasa ang doctor to the stars na makakalimutan rin niya ang sinapit ng kanyang pagmamahal kay Hayden na tumagal rin ng kulang-kulang pitong taon, “I’m moving forward…trying to be strong.
Hopefully I’d be able to make it. I think it’s really the end so it should be fine.”
Samantala, sa Twitter ipinadaan ni Hayden ang kanyang sama ng loob sa dating karelasyong doktora, “You accuse me of infidelity and barrage the public with the accusations as if it’s really true.
Proof? C’mon show me,” hamon ni Hayden kay Vicki Belo.
“Ok that’s it! I tried to just turn around and walk away just to silence my accusers.
But this is too much already,” nauna niyang tweet na nagpapahiwatig na parang buwisit na buwisit na siya sa nangyayari sa kanila ni Belo.
Tanong ko lang, sa ginagawa bang pag-iingay ni Hayden may nakukuha pa siyang simpaya sa publiko?
Kung tunay ka kasing lalaki, igagalang mo ang desisyon ng isang babaeng ayaw na sa ‘yo, di ba? ‘Yun lang.