Dingdong napilitan lang mag-propose kay Marian sa TV?


Nasa chopping board na raw ang dance show ni Marian Rivera. How true? Ang chika, until September na lang daw ito sa ere. The reasons? Hindi raw ito pinapasok ng commercials at wala ring masyadong rating.

Some came to the defense of Marian and said that the show is only good for one season lang talaga. At hindi rin totoong wala itong masyadong commercial.

Hindi rin true na hindi nagre-rate ang show ni Marian, mataas raw ang rating nito compared sa kalabang show sa kabila. In fact, napakataas ng rating ng live guesting ni Dingdong Dantes dahil naka-more than 20% ito sa rating.

“Kaya siguro pinag-propose ng Marian prod team si Dingdong kay Marian on live TV last Saturday ay gusto nila marahil ma-extend ang weekly show ni Marian.

Wala pa rin naman kasing follow-up teleserye ang primetime queen dahil napaso ang GMA sa kinahinatnan ng Carmela. Saka siguro para rin madagdagan ang ad load ng Ang Dalawang Mrs. Real. Saka para painitin uli ang pangalan ni Marian kasi, let’s face it, lipas na ang glory days niya.

“Yan ay dahil sa ang dami niyang inaway na co-artists niya sa GMA na tinolerate ng management,” one guy said.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Read more...