Kim payag makasama sina Gerald at Maja sa teleserye sa isang kundisyon…


Ayaw munang gumawa ng anumang proyekto si Kim Chiu na kasama ang ex-boyfriend na si Gerald Anderson at dating BFF na si Maja Salvador.

“Huwag muna, mainit-init pa. Siyempre kung kami okay na kaming tatlo, pero yung fans ay iba pa yung ti-ngin nila, ganoon. So might as well i-smoothen muna natin ang buhay, buhay,” ani Kim sa interview ng ABS-CBN.

Pero kung gagawa man sila ng serye o pelikula, “It depends sa project, it depends sa kung ano yung kwento. Depende hindi ko alam.”

Sa ngayon, concentrated si Kim sa book 2 ng Ikaw Lamang kasama sina Coco Martin, KC Concepcion at iba pang premyadong veteran stars.

Aniya, mas pagbubutihin niya ang trabaho ngayon para hindi siya mapahiya sa mga award-winning actors na kasama nila sa Ikaw Lamang.

In fact, marami na ang excited sa magiging takbo ng kuwento nila ni Coco bilang sina Gabriel at Andrea, pati na rin ang magiging twist sa istorya nila ni KC na gaganap bilang kapatid niyang si Natalia.

Kaya tutukan ang Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng Hawak Kamay.

( bandera.ph file photo )

Read more...