Dingdong, Marian sa Dec. 30 ang kasal sa isang simbahan sa Cubao

TINUPAD nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang pangako nila na ia-announce ang kanilang engrandeng kasalan sa mga kaibigan nila sa entertainment media na naging bahagi ng kanilang love story.

Sa presscon nitong Biyernes na ibinigay sa kanila ng  GMA 7, ibinandera ng Primetime King and Queen ng Kapuso network na magaganap ang kanilang wedding sa Dec. 30, 2014 sa isang simbahan sa Cubao kung saan madalas silang magpunta at magdasal.
“For everyone to know, as we promised, mangyayari po ang aming wedding sa Dec. 30 ng taong ito. Ang isang klaro po na detalye ay gusto namin itong mangyari sa isang simbahan, because we are both Roman Catholics, ito’y mangyayari sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, Quezon City.
“Sa ngayon po we are still going through so many details, such as preparing the list for the entourage, mga ninong at ninang, pero inuna na muna naming ipaalam sa inyong lahat yung date at ang venue, because we really consider everyone as part of our story, that’s why we’re very grateful lalo na sa GMA, na siyang nagbigay ng presscon na ito. Gusto lang namin i-share sa inyong lahat kung gaano kami kasaya,” ani Dingdong.
“Matagal na rin naman kaming magkasama ni Marian, at matagal na rin naming napag-uusapan ang wedding, we’re just waiting for the right time, we both felt that we had to do it immediately. Kaya nga po naging end po siya ng taong ito, the last day technically ng taong ito, before New Year’s Eve, para hindi na paabutin ng 2015,” pahayag pa ni Dingdong.
Tinanong si Marian kung magkakaroon na ba siya ng limitation sa kanyang pagiging aktres ngayong ikakasal na siya? at ang tugon niya:   “Naniniwala ako na nandiyan lang ang Triple A family ko para i-guide ako sa aking showbiz career.
Ayoko naman sabihin na walang magbabago, meron at meron talaga ‘yan.  Kasi bilang magkakaroon ka na ng asawa, dapat malaman mo na kung anu-ano ‘yung mga bagay na dapat mong gawin at hindi mo na dapat gawin.”
Kukunin ba nilang ninong si Pangulong Noynoy Aquino na kilalang malapit sa kanilang dalawa? “Hindi pa namin siya nakakausap, but we would love to have him if ever, pero siyempre, yung mga detalye kailangan pa pong pag-usapan ‘yan, probably soon, personal namin siyang kakausapin.”
Saan nila balak mag-honeymoon? “Ha-hahaha! Yun ang wala pa. Pero sa amin talaga ni Marian, kapag magtatapos na ang taon, natitiyempo na nagbabakasyon kami, bumibiyahe kami, pero this time, honestly, hindi pa namin napag-iisapan.”
Pagkatapos ng kanilang kasal, agad-agad ba silang gagawa ng baby? Sagot ni Marian, “Yung totoo talaga, gusto na namin, pero siyempre, marami pa kaming dapat i-consider, kasi merong pagkakataon na kapag pinaplano mo, hindi dumarating, kapag naman hindi mo inaasahan, nandiyan na.
Pero as soon as possible sana, gusto na namin. Tsaka du’n sa mga lumalabas na balita na buntis na raw ako, hindi pa po talaga. Sayang nga, e. Ha-hahaha!”
Sinasabi ng iba na kaya raw nag-propose si Dingdong kay Marian ay dahil naghahanda na siya sa pagsabak sa politika sa 2016?  “I think, that’s pretty unfair judgment.
Again, binabalik lang namin ito sa inyo, dahil lahat kayo ay naging part ng aming journey, ng aming love story. We really want to keep this private, pero mas pinili naming i-share sa lahat bilang pasasalamat na rin sa inyong suporta.”

Read more...