Marian hindi raw mukhang pera | Bandera

Marian hindi raw mukhang pera

- February 21, 2012 - 04:16 PM

SA lahat ng  fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na tumututok sa My Beloved na napapanood sa TeleBabad ng GMA, narito ang mga susunod na pasabog ng favorite n’yong serye.

Hindi natuloy na magkaharap sila Sharina at Arlan.

Hindi maintindihan ni Sharina kung bakit tila hindi maalis sa kanyang isipan ang mukha ng lalaki sa painting.

Malaking palaisipan din lalo na kay Arlan ang lahat matapos niyang makalimutan ang ang buhay niya bilang isang sundo.

Ngayong mortal na si Arlan ay mararansan na niya ang buhay ng isang tao.

Matanggap niya kaya at kayanin ang klase ng buhay na mayroon si Benjie?

Samantala patuloy ang pagdadalamhati ni Monica sa pagkamatay ni Junic.

Ang hindi alam ni Monica ay nasa paligid lang ang kasintahan at napapanood ang kanyang pagluluksa.

Magkaroon pa kaya ng paraan upang muli silang magkausap ngayong patay na si Junic?

Makikilala ni Arlan ang pamilya ni Benjie. Magtata sina Rico at Lola Inggay sa kinikilos ni Benjie.

Ipapaalala nila kay Benjie kung anong klaseng tao siya noon bago siya maaksidente.

Speaking of Marian, natanong namin recently ang Primetime Queen tungkol sa lipatan issue from one TV station to another, paano kung siya naman alukin siya ng TV5?

Tatanggapin ba niya?

“Naku, ang haba-haba pa ng contract ko dito sa GMA!

Magkakaanak na ako’t lahat-lahat, nandito pa rin ako!” sabi ni Marian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, abangan na lang natin ang susunod na eksena pag natapos na ang contract niya sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending