OKAY lang kay Anne Curtis kung mabuntis siya nang hindi kasal. Hindi naman daw kasi niya kontrolado ang mga bagay-bagay at ayaw din niyang magsalita nang tapos lalo na kung tungkol sa pagkakaroon ng anak.
Pero sey ni Anne, siyempre, mas gusto pa rin niya na mauna ang kasal kesa sa baby, “But like I said, whatever comes first, okay lang sa akin. Walang problema, ang mahalaga, ang mapanindigan mo ang mga responsibilities mo kapag naging mommy ka na.”
Natanong si Anne sa presscon ng “The Gifted” kung siya na ang susunod na mag-a-announce ng kasal pagkatapos nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, “Huwag muna, huwag muna!”
“Siguro, three or four more years, I’ll be ready. Sa ngayon, ayoko ko munang mag-isip, kasi paano kung hindi, ‘di ba? Siyempre, masakit. So, I’d rather not have my hope side…sana, sana. Yun na lang, ‘di ba? Basta, after four years, then, when I’m ready, why not?” chika pa ng TV host-actress.
Isang obese ang role ni Anne sa “The Gifted”, kaya tinanong siya kung okay lang ba na lumaki siya nang ganu’n kapag nanganak na siya, “Ha-hahaha! Parang may kaba…hinihintay mo kasi kung ano ang magiging hitsura mo, e. Nang makakabit na yung fat suit, nagulat ako na parang, ‘Wow, heto pala ang hitsura ko ‘pag tumanda at tumaba ako!’ Sabi ko, ‘Heto kaya ang hitsura ko after four kids?’ Who knows?”
“At least, bagay! So, it doesn’t really scare me. If I can maintain my body now, better. But if not, okay lang din. Ask ko nga sa kanya, ‘Would you still love me?’ Oo naman daw, cute naman daw ako,” natatawang chika pa ni Anne.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

