Naudlot pa-Canada

Sulat mula kay Luisito ng Kabakan, North Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Ang akala naming mag-asawa, madali lang ang mag-migrate sa Canada.  Meron kaming mga kamag-anak doon.  Pero sumabit daw ang aming papeles sa embassy.  Malaki na ang aking nagagasta sa biyahe nang biyahe pa-Maynila kapag may call for interview.  Hindi naman sinasabi sa amin kung ano ba talaga ang problema ng aming papeles.  Alam kong mahigpit sila sa seguridad pero wala naman akong alam na kinasangkutan ng pamilya ko o mga kamag-anak ko sa Canada.  Tanging sa Canada na lang ang pag-asa namin para umasenso sa buhay.  Hindi na aasenso ang buhay namin sa Mindanao.  Kailan ba kami makaaalis?  July 12, 1971 ang birthday ko at September 13, 1978 ang misis ko.
Umaasa,
Luisito ng Kabakan, North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Huwag kang mag-alala dahil malinaw sa mga palad ninyo ang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.).  Matutuloy ang inyong pangingibang-bansa pero magaganap ito sa takdang panahon.  Ang ibig sabihin, hindi natin nakikita ang eksaktong araw pero maaaring lilipas muna ang isang taon bago umalis ang isa sa inyo o sabay na kayong umalis.  Malaki rin ang tsansa na hindi lamang kayong mag-asawa ang makaaalis.  Maaaring sumunod ang inyong mga anak kapag kayo’y naroroon na.
Cartomancy:
Queen of  Diamonds, Three of Diamonds at Ace of Diamonds  (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing suwerte ka sa iyong misis, at susuwertehin ka rin sa tulong ng babaing mayaman, na nasa ibang bansa na.  Lilinaw ang pag-asa na makaalis sa last quarter ng 2015.
Itutuloy…

Read more...