DIRETSAHAN nang inamin ni Anne Curtis na totoong umiinom siya at kung minsan ay nalalasing din. Normal lang naman daw sa isang tao ang social drinking lalo na sa mga tulad nilang celebrity.
Nagpakatotoo ang TV host-actress sa isyung ito nang makachika ng ilang miyembro ng entertainment media sa presscon ng latest movie niyang “The Gifted” under Viva Films at MVP Productions kasama sina Sam Milby at Cristine Reyes.
Natanong si Anne kung naiinis ba siya kapag tinatawag siyang lasengga, lalo ng bashers sa social media? “It’s okay. Not an issue for me at all. I had worse, so it’s not an issue at all.”
Pero totoo nga ba na malakas siyang uminom at nawawala sa sarili kapag nalalasing na? “Well, I don’t deny naman that I drink naman, and, of course minsan nalalasing naman talaga.
“At least I’m honest about it, so I think it’s something na at least yung tao, hindi nasa-shock na, ‘Oh, my God, napaka-scandalous!’ Kasi alam nilang, ‘A, she’s like us.’ It happens, ‘di ba?” depensa ng napakaganda at napakaseksi pa ring aktres.
Naapektuhan ba ang mga ine-endorse niyang produkto sa mga iskandalong kinasangkutan niya in the past? “They’re ano…I’m still with all of my…most of my endorsements, so it’s a great thing.
Because I think what helped was I was honest about it. Hindi ako nagtago, ‘tapos I admitted it was a mistake. So, it just goes to show na tao (ako).
“And I think people could relate kasi, at one point in their lives, I’m sure it happened to them, ‘di ba? Nangyayari talaga, at least I was brave enough to admit it, that it was a mistake,” paliwanag pa ng TV host-actress.
Kung matatandaan, dalawang iskandalo ang kinasangkutan noon ni Anne nang dahil daw sa kalasingan. Samantala, tungkol naman sa chikang hiwalay na raw sila ni Erwan Heussaff matapos ang apat na taong relasyon, ayon kay Anne, “A, talaga? Na naman? You know, I think that just keeps on happening because we’re not a showbiz couple.
“So, we’re not…we don’t post on each other’s mushy Instagram pictures, but that’s by choice. We choose to keep it private, every now and then ‘pag birthday or…But I don’t think it will ever stop as long as we’re private.
So, okay lang. Siya natatawa na lang siya,” chika pa ng aktres. Speaking of “The Gifted”, mukhang tatabo na naman sa takilya ang bagong offering ng Viva Films, e, kasi nga, sa trailer pa lang, parang enjoy na enjoy na ang mga manonood, kaya siyempre, maku-curious ang mga ‘yan kung ano ang magiging kabuuan ng movie kung saan nga gaganap na isang obese si Anne habang si Cristine naman ay ginawang super chaka girl – na parehong gifted sa katalinuhan.
Alam n’yo naman ang mga Pinoy ngayon, mas gusto nilang manood ng mga pelikulang magpapaligaya sa kanila at ‘yung mga magpapatawa lang sa kanila para pansamantalang makalimutan ang kanilang mga problema.
Sabi nga ni Anne, kahit nga raw sila nina Cristine at Sam ay super nag-enjoy sa bawat shooting day nila dahil tawa lang sila nang tawa sa mga pinaggagawa nila.
Pero chika ni Anne, meron din daw values na makukuha sa “The Gifted” lalo na yung mga magkakaibigan na nagkakaroon ng inggitan at kumpetisyon nang dahil sa kagandahan, kaseksihan, pati na rin sa mga lalaki.
Tiyak daw na marami na namang maaaliw at mababaliw sa mga dialogue at confrontation scene nina Anne at Cristine sa movie.
Showing na ang “The Gifted” sa Sept. 3 na idinirek ni Chris Martinez.
( Photo credit to EAS )