HI po. Tanong ko lang kung ano ang gagawin namin kasi ay malaki deduction sa SSS contribution namin.
Sa ngayon ay P560 na deduction namin. Seven years na po ako sa company pero hindi kumpleto ang nare-remit ng kompanya namin.
Hanggang 2012 lang at walang payslip na ibinigay sa amin.
Paano namin maki-claim kung wala po kaming maipakitang evidence kung sakaling magreklamo kami?
Tinatakpan kasi ’yung payslip kapag mag papapirma kami.
Isa sa kasama namin ang nakakuha ng payslip at pina-photocopy niya. Pwede ba ‘yung gawing ebidensya namin? P168 lang daw kasi ang nakalista na deduction.
Please po ano ang gagawin namin pati Pag-ibig at PhilHealth namin hindi po updated. Kung i-print n’yo po ito sa Bandera, huwag na lang po ninyo ilalagay ‘yung email address ko. Salamat po. Nina REPLY: Ito ay kaugnay sa katanungan na ipinadala ni Nina sa Aksyon Line hinggil sa hindi pagreremit ng kanyang kumpanya sa mga buwanang kontribusyon ng kanilang empleyado.
Sa mga ganitong sitwasyon, aming pinapayuhan ang mga miyembro na magtungo sa pinakamalapit na SSS branch upang mag-file ng non-remittance complaint laban sa kanilang employer.
Ang complaint na ipa-file ng mga empleyado ay siyang magi-ging basehan ng SSS upang imbestigahan ang kanilang employer.
Ang pag-imbestiga sa mga ganitong kaso ay may prosesong pagdadaanan.
Aming pinapayuhan ang mga empleyado na habang iniimbestigahan pa ang kasong ito, regular pa din nilang suriin ang kanilang SSS account upang masiguro na ang ganitong problema ay hindi na maulit pa.
Salamat sa patuloy na pagtitiwala sa SSS.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO Social Security Officer IV Media Affairs Department Social Security System May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust ream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
