Nalungkot ang buong mundo sa biglang pagkamatay ng award-winning Hollywood actor na si Robin Williams na nakilala sa mga pelikulang “Mrs. Doubtfire”, “Jumanji”, “RV”, “Good Morning Vietnam”, “Dead Poets Society” at “Hook”.
Ayon sa paunang balita, nag-suidice diumano si Williams, 63, na natagpuan ang bangkay niya nitong Lunes sa loob ng kanyang bahay sa Northern California.
Emosyonal ang mga tweet ng kanyang Fil-American daughter na si Zelda Rae Williams sa pagkamatay ng ama kaya marami ang naluha nang mabasa ito.
Si Zelda ay anak ni Robin sa Filipina-American philanthropist na si Marsha Garces. Ani Zelda, “I love you. I miss you. I’ll try to keep looking up”.
( Photo credit to inquirer news service )
READ NEXT
Church at work
MOST READ
LATEST STORIES