Boyet, Sandy na-shock sa kundisyon ng anak


PATULOY sa paghingi ng dasal ang pamilya nina Boyet de Leon at Sandy Andolong dahil nga sa naging kundisyon ng anak nilang si Miguel na nasa USA at naka-confine sa isang ospital sa San Francisco.

Mayroon itong kakaibang karamdaman (testicular cancer) at tunay namang nakakabigla ang pangyayaring ito sa buong angkan nina Boyet at Sandy.

Nabasa namin ang mga mensahe ni Sandy sa social media at mararamdaman mo talaga ang matinding dalamhati at pagkabahala ng kanilang pamilya, though punumpuno ito ng pagmamahal para sa anak.

Here’s offering our prayers for their son as we truly know the couple as among the most consistent pagdating sa pagiging mabuti at mahusay makisama.

Balitang nakabalik na ng bansa si Boyet dahil sa natanguan nitong trabaho, kasama siya sa book 2 ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN. Siya ang gaganap bilang adult Jake Cuenca sa soap at sa dami rin ng pinagdaanang pagsubok ng naturang karakter, tiyak naming mas madaling lalabas ang husay at ningning ni Boyet bilang aktor.

We still have to hear kung kailan naman nakatakdang bumalik sa sitcom na Home Sweetie Home nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz si Sandy.

( Photo credit to sandy  andolong official fanpage )

Read more...